Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sa San Juan, Batangas SARI-SARING BARIL, PAMPASABOG NAKOMPISKA Boy Palatino

Sa San Juan, Batangas
SARI-SARING BARIL, PAMPASABOG NAKOMPISKA

NASAMSAM ng mga awtoridad ang sari-saring mga baril at mga pampasabog sa isinagawang pagsisilbi ng search warrant sa Sitio Marecacawan, Brgy. Quipot, sa bayan ng San Juan, lalawigan ng Batangas nitong Sabado ng umaga, 16 Hulyo.

Sa ulat ni P/Col. Glicerio Cansilao, Provincial Director ng Batangas PPO, kay P/BGen. Antonio Yarra, Regional Director ng PRO4-A PNP, ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit-Batangas PPO (lead unit), Office of the Provincial Director – Drug Enforcement Unit, Batangas Provincial Mobile Force Company/Special Weapon and Tactics, 403rd A MC, RMFB-4A, RID4A-RIT Batangas, RIU-4A, NISG Southern Luzon, at San Juan MPS sa bahay ng suspek na kinilalang si Jay R. Bas, 37 anyos, tubong Davao City ngunit kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na bayan.

Wala ang suspek sa kanyang tahanan ngunit nakompiska mula sa kanyang bahay ang iba’t ibang kalibre ng baril tulad ng Cal. 5.56 rifle Colt, Cal. 9mm pistol, Cal 9mm Jericho, Armscor Cal. 40 pistol, mga magasin,  bala ng iba’t ibang kalibre ng baril, at mga pampasabog tulad ng rifle grenade with tracing bullet, MK 2 hand grenade fragmentation, M26A2 hand grenade fragmentation, at iba pang mga kagamitan.

Napag-alamang miyembro ang suspek ng Eleazar Rocio Criminal Group na nag-o-operate sa ikaapat na distrito ng Batangas.

Inilabas ang naturang search warrant ni Presiding Judge Rosemarie Manalang-Austria, Rosario, Batangas RTC Branch 87 na may petsang 14 Hulyo 2022.

Samantala, inihahanda na ang mga dokumento upang masampahan ng mga kaukulang kaso ang suspek.

Pahayag ni P/BGen. Yarra, “Ang matagumpay na pagkakakumpiska sa mga kagamitang nabanggit ay katunayan lamang na seryoso ang pulisya sa pagtugis sa mga kriminal na sumisira sa kaayusan at kapayapaan ng lugar. Hindi po tayo titigil hangga’t hindi nahuhuli ang mga kriminal.” (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …