Friday , November 15 2024
drugs pot session arrest

Sa Bataan
DRUG DEN SINALAKAY 5 TULAK TIMBOG 

ARESTADO ang limang indibidwal na naabutan ng mga awtoridad sa loob ng isang barong-barong na pinaniniwalaang ginawang batakan ng droga sa Brgy. Balsik, sa bayan ng Hermosa, lalawigan ng Bataan, nitong Biyernes, 15 Hulyo.

Sa ulat mula sa PDEA Bataan office, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Isaias Ronquillo, 46 anyos, residente sa Brgy. Balsic; Ma. Cristina Valencia, 20 anyos, at Kim Claret Valencia, 20 anyos, kapwa residente sa Brgy. Bacong; Jectofer Samson ng Brgy. Mabuco, pawang sa Hermosa, Bataan; at Roy Miguel, 44 anyos, residente sa Brgy. Calangain, Lubao, Pampanga.

Nakompiska sa isinagawang operasyon ang apat na selyadong plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu, may timbang na halos 11 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P74,800; assorted drug paraphernalia; at buy bust money.

Ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Bataan Provincial Office, Bataan PPO-PPDEU, SOU3 DEG, at Hermosa MPS.

Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …