MANILA–Nagpatuloy ang pananalasa ng Laguna Heroes sa pagtala ng magkasunod na panalo sa 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online chess tournament virtually na ginanap sa Chess.com Platform nung Sabado ng gabi.
Umakyat ang inaugural champion sa number 3 spot sa Northern Division standings na may 20-13 win-loss slate matapos ang 19-2 victory sa Isabela at 12-9 pag-ungos sa Rizal.
“Rizal is a strong team. We were just lucky tonight. It was indeed a tight match,” sabi ni Arena Grandmaster Dr. Fred Paez ng Jolly Smile Dental Clinic, isa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO at Greatech Philippines, Inc., Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice Foods at Engr. Antonio Balinas ng AC Balinas Construction and Steel Works.
Pinasuko ng Laguna Heroes ang Isabela sa blitz category, 5-2, at tinulak ang final blow sa last seven playing boards matapos mabokya ang kalaban, 14-0, sa rapid play.
Kontra sa Rizal ay namayani ang Laguna sa blitz game sa panalo nina Woman International Master Ummi Fisabilillah, Fide Master Jose Efren Bagamasbad, Vince Angelo Medina at Arena Grandmaster Kimuel Aaron Lorenzo.
Nagwagi rin ang Laguna sa Rizal sa rapid matapos ang pagrehistro ng panalo nina two-time Asian Junior Champion Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr., Fisabilillah, Bagamasbad at Christian Nanola.
– Marlon Bernardino –