PANANAW ni Gennadiy Golovkin na hindi siniseryoso ni Canelo Alvarez ang magiging trilogy fight nila sa Setyembre 17 sa T-Mobile Arena sa Paradise, Nevada.
May nauna nang pahayag si Canelo tungkol sa magiging laban nila, na kompiyansa siyang pagreretiruhin niya si Golovin sa pagtatapos ng kanilang paghaharap na isasa-ayre ng DAZN pay-per-view.
Buwelta ni Golovin (42-1-1, 37 KOs) na maituturing niyang parang isang aso si Canelo (57-2-2, 39 KOs) na tumatahol. Hindi niya iniisip ang kanyang mga sinasabi.
Ayon naman sa mga eksperto sa boksing, para talunin ni Canelo si Golovkin at pagretiruhin, kailangan niyang magpakita ng superyor na laro na mas maganda sa ipinakita niyang ‘performance’ sa naging talo niya kay WBA light heavyweight champion Dmitry Bivol nung May 7th.
Tingin ng mga eksperto na masyadong pagod si Canelo, mabagal at tipong tumanda na sa laban nang sugurin niya nang sugurin si Bivol na steady lang sa pagpapakawala ng kombinasyon.
Naniniwala naman ang ilang miron sa boksing na ang pahayag ni Canelo ay buwelta lang sa komento ni Golovkin nang ma-test na positibo ang Mexican star ng dalawang beses sa ipinagbabawal na ‘substance clenbuterol’ apat na taon na ang nakararaan nung March 2018.
Pinatawan ng anim na buwan na suspensiyon si Canelo dahil sa pagka-positibo sa test. At dahil dun ay nagpahayag si Golovkin na hindi naging patas ang kanilang unang laban na nagtapos sa draw. Hinala naman ng mga fans ni Golovkin na Posibleng gumamit ng PEDS ang Mehikano.
“I didn’t think anything in particular. I was judging his reaction and behavior,” sabi ni Golovkin sa ESNEWS nang tanungin tungkol sa magiging laban nila ni Alvarez sa Setyembre 17th trilogy.
“Nothing goes through my mind. It’s just words,” pahayag ni Golovkin tungkol sa kanyang pananaw sa sinabi ni Canelo na pagreretiruhin siya sa kanilang laban. “It’s like a caravan of camels going through the desert, and there’s a dog barking at them. That’s it.
“I looked him in the eye during the face-off. There’s nothing to say. If he thinks I said something bad about him, it’s up to him to believe that.
“We just faced each other. If he wanted to say something to me and I wanted to say something, we would have said it, but now giving him a message through a career, it’s not going to be here,” sabi Golovkin nang tanungin kung may mensahe siya kay Canelo.
“It’s not yet different from other fights, but on the other hand, we cannot call my opponent just an ordinary guy,” ani Gennadiy. “Of course, I’ll be getting ready for this fight, I’ll do my best, and we will see how it is going to play out.”