Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelo Abundo Young PCAP Chess

Manila dinurog ng Laguna sa PCAP chess

MANILA–Pinangunahan nina Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla,  Woman International Master Ummi Fisabilillah at International Master Angelo Abundo Young ang Laguna Heroes tungo sa 15-6 panalo laban  sa Manila Indios Bravos chess team na binanderahan ni GM Guillermo Colman Vasquez sa pagpapatuloy ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) tournament   virtually na ginanap sa Chess.com Platform nung Miyerkoles.

Si Barcenilla, na ilang beses nagkampeon sa   Battle of the GMs  ay giniba si National Master Rolando Andador sa 28 moves ng English Opening Anglo Dutch Defense habang si Young, isang eight-time Illinois USA Champion ay nakaungos kay Dr. Jenny Mayor sa 36 moves ng Sicilian defense, Alapin variation at winasiwas naman ni Fisabilillah si Woman Candidate Master Mira Mirano sa 53 moves ng Modern defense.

Ang Heroes ay suportado ng Jolly Smile Dental Clinic, KALARO, Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice Foods and AC Balinas Construction at ng Steel Works.  

Kasama rin  na nagkamada ng puntos sa Laguna sa rapid event  sina Arena Grandmaster Kimuel Aaron Lorenzo at Christian Nanola  at  draw naman ang laban ni  Vince Angelo Medina.

Pinayuko ni Lorenzo si Alji Cantonjos sa 48 moves ng London System Opening, pinigil ni Nanola si Candidate Master Genghis Katipunan Imperial sa 43 moves ng Queens Pawn Opening at tabla si Medina kay International Master Ronald Dableo sa 23 moves ng Trompovsky Opening.

Si GM Guillermo Colman Vasquez ang nagtala ng full point sa Manila matapos daigin si Fide Master Austin Jacob Literatus sa 51 moves ng Nimzowitsch-Larsen Attack, Classical variation.

Matapos ang blitz encounter tungo sa 4-3  na panalo ng  Laguna ay kumamada si Barcenilla sa rapid, para makopo ang 11-3 panalo.

Una nang nagwagi ang Laguna sa Cagayan Kings na may parehong  15-6.

Matapos manalo sa blitz category, 6-1, ay winasiwas ng Laguna ang Cagayan, 9-5, sa rapid event. Si Fisabilillah ay may 6/6 record nung Miyerkoles ng gabi.

-Marlon Bernardino-

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …