Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Roman Perez Jr Taya Ang Babaeng Nawawala sa Sarili AJ RAVAL AYANNA MISOLA

Direk Roman’s Taya humalukay, nagpaputok ng sex/drama genra sa Vivamax

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PANG-WALONG pelikula na ni Direk Roman Perez Jr ang Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, launching movie ni Ayanna Misola na mapapanood na sa Vivamax simula bukas, July 15. Pero sa walong pelikula ni Direk Roman, itong Ang Babaeng Nawawala sa Sarili at ang Taya na pinagbidahan ni AJ Raval ang sobrang lapit sa puso ng tinguriang cult director.

Sa mediacon ng Ang Babaeng Nawawala sa Sarili, sinabi ni Direk Roman kung bakit malapit ito sa kanya gayundin ang Taya. “Unang-una anniversary ng ‘Taya.’ ‘Yun ang lumikha ng Vivamax. ‘Yun ang unang -una, sabi nga ni Direk Joey Reyes, ‘yun ang naghalukay ng audience ng Vivamax. Kung walang ‘Taya’ hindi puputok itong mga ganitong genra.

“Nahalukay natin at napuntahan natin ang kasulok-sulukan at ‘yung audience ng Vivamax, na-top natin, napuntahan natin.

Pangalawa pinakamalapit sa akin, ‘wag magseselos sana ‘yung ibang artista at mga pelikulang nagawa ko, itong ‘Babaeng Nawawala sa Sarili.’ Kasi sabi ko nga sa editor namin ito ang pinakamagandang pelikulang nagawa ko buhat noong nag-Vivamax ako, kasi ibang genra siya. 

“Hindi ko siya genra, kasi psychological thriller siya, hindi siya horror at first time sa akin ito,” mahabang esplika ng magaling na direktor.

Sinabi pa ni Roman na na-challenge siya sa pelikula ni Ayanna.

Medyo na-challenge ako kaya napaka-importante sa akin itong dalawang pelikulang ito tapos nakasabay pa na andiyan si Mon Confiado. So parehas na pelikulang paborito ko itong ‘Babae…’ at “Taya.’”

Iginiit din ni Direk Roman na original ang kanilang Ang Babaeng Nawawala sa Sarili.

“Original ang story itong sa amin. Nag-base lang kami sa lumang version niyong 1989 ni Dina Bonnevie sa premise, the rest original. Kaya as in bago siya, bagong-bago siyang pelikula. Wala kaming ginayahan, ‘yun lamang pangalang Albina at Olivia, ‘yun lang.” 

Idinagdag pa ni Direk Roman na, “Bagong-bagong itong ino-offer namin, ito ‘yung title dala-dala namin at ‘yung premise na isang babae na nasasapian ng isang multong babae na ginagamit ang kanyang katawan para sa kanyang paghihiganti, ‘yun lang ang pinanghahawakan and the rest bago talaga.  Bago ang ibinibigay ng Vivamax.”

Bukod kay Ayanna, kasama rin dito sina Diego Loyzaga, Ava Mendez, Adrian Alandy, at Mon Confiado

Ang Ang Babaeng Nawawala sa Sarili ay unang kinabaliwan sa Hiwaga Komiks na binigyang buhay sa pelikula ni Dina Bonnevie noong 1989.  Ngayong 2022 si Ayanna ang gaganap na Albina na bago ang pelikulang Ang Babaeng Nawawala sa Sarili ay napanood muna sa Pornstar 2: Pangalawang Putok, Siklo, Kinsenas, Katapusan, Putahe, L, at Iskandalo

Kaya abangan at panoorin ang Ang Babaeng Nawawala sa Sarili na pinamahalaan ni Roman dahil tiniyak niyang sulit ang subscription ninyo sa panonood nito dahil sa pagiging mas progresibo sa naunang version. Mas makabago at grounded sa issues ng kasalukuyang 2022 version. At tiniyak ni Roman na walang ibang karapat-dapat na gumanap sa role kundi si Ayanna.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …