Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michael Jan Stephen Bonbon Inigo 2022 Tanjay City Fiesta Chess

Inigo hari sa under-16 category tournament sa Tanjay City

MANILA–Pinagharian ni  Michael Jan Stephen “Bonbon” Rosalem Inigo ang katatapos na 2022 Tanjay City Fiesta Chess Tournament under-16 category tournament na ginanap sa Osmena Park, Tanjay City, Negros Oriental nitong Hulyo 10, 2022.

Si Inigo, 14,  Bayawan City Science and Technology Education Center (BCSTEC) Grade 8 student ay tumapos ng perfect 7.0 points, angat kina Lennox Samson at Lance Nathaniel Orlina na may tig-anim na puntos na nakamada.

Tumapos sina Joemel Narzabal, Arleah Cassandra Sapuan Yzabella at Louise Miguel Roquillas na may tig-5.5 puntos  para pumuwesto ng pang-apat hanggang pang pito ayon sa pagkakasunod.

Top 10 finishers na may tig  5.0 points  sina Jhurell Rodjun Ferrer, Von Isaiah Marana at Rhed Cabebe.

Ang nasabing event ay inorganisa ng Tanjay City LGU at ng Tanjay City Chess Club sa pakikipagtulungan nina Tournament Director Engr. Rocky Rocamora at National Arbiter Mart Olendo.

– Marlon Bernardino –

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …