Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dennis Rodman

Dennis Rodman ‘di nagbayad sa kanyang doktor nang singilin siya  ng $25,000

TUMANGGING magbayad ni Dennis Rodman sa kanyang doktor ng $25,000 para ilihim ang X-rays ng kanyang ‘private part’ na nabale.

Kilala ang Hall-of-Famer na si Dennis Rodman sa kanyang matitinding aksiyon sa loob ng basketball court sa panahong magkasama sila ni Michael Jordan sa Chicago Bulls.

Bagaman matatawag na pag-aari ng publiko ang mga basketball players, merong pagkakataon na gusto nilang mamuhay ng tahimik at malayo sa intriga.

Ganun pa man, kakaiba si Rodman sa ibang superstars.  Siya ang manlalaro na gusto parating pinag-uusapan sa loob at labas ng court kahit pa sa panahong wala pang social media nung 80s at 90s.

Sa labas ng court, ang tinaguriang ‘The Worm’ ay bulgar sa publiko ang kanyang ‘sexual exploits’ na inamin niya na meron siyang nakasiping na 2,000 na babae.   

Pero maraming pagkakataon na nadala sa ospital si Rodman para sumailalim sa p*nis X-ray.   Iyon ay resulta ng mga kakaibang istilo na ginagawa niya sa kasiping na babae.  Sa isang panayam, ibinahagi ni Rodman na nabali ang kanyang p*nis  nang tatlong beses dahil sa pakikipag-sex.

Sa unang pagkakataon ay nangyari sa lantsa sa Dallas.   Narinig daw ni Rodman na nagkaroon ng ‘crunch’ at nakita niyang nagkalat na ang dugo sa kama.   Dinala agad siya sa ER.

Nangyari muli ang pagkabale ng kanyang private part nang paligayahin siya ng babae sa kakaibang ‘oral sex.’

Sa ikatlong pagkakataon ay nangyari ito sa New York, at ang doktor na tumingin sa kanya sa ER  ay isinailalim siya sa X-rays at sinabi nito na nagkaroon siya ng hiwa sa kanyang p*nis at hinihingan siya ng $25,000 para hindi ilabas sa madla ang resulta.

Pero tumangging magbigay ng pera si Rodman at nang-aasar pa itong hinamon ang doktor na ipakita sa lahat ang naging resulta ng X-ray ng kanyang p*nis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …