Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Iba’ng Saya Pag Sama-Sama TV5

Aga, Elijah, Jane, Maja nagsama-sama sa TV5’s Station ID

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INILUNSAD ng TV5 ngayong Hulyo ang pinakabago nilang Station ID na naghahatid ng mensaheng pagkakaisa sa pamamagitan ng kanilang iba’t ibang programa na may pagpapahalaga ng katangiang Filipino. 

Sa kanilang bagong campaign na Iba’ng Saya Pag Sama-Sama, ipinagmamalaki ng TV5 ang kanilang mga talentadong artista, mga dekalibreng palabas para sa lahat ng mga manonood, at pinakamahusay na mga programa sa telebisyon hatid ng Cignal Entertainment, Brightlight Productions, ABS-CBN, Sari-Sari Network, Inc., at marami pang iba.

Aga Muhlach

Ibinida sa Iba’ng Saya Pag Sama-Sama Station ID ang mga bago at paparating pang palabas sa TV5. Ito ay pinangunahan ng cast ng Oh My Korona kasama si Majestic Superstar Maja SalvadorSuntok sa Buwan na pinagbibidahan nina Aga Muhlach, Elijah Canlas, at Maris Racal; at ang Darna, hatid ng ABS-CBN, kasama sina Jane De Leon, Joshua Garcia, Janella Salvador, at Zaijan Jaranilla.

Tampok din dito ang mga Kapatid host, celebrities, news anchors, at athletes mula sa kanilang network flagship shows na Sing Galing, News5, Frontline Pilipinas, at PBA. Ipinakita rin ang iba’t ibang mga programa na kasalukuyang ipinalalabas sa TV5 tulad ng Lunch Out Loud ng Brightlight ProductionsRolling In It Philippines Season 2 ng Sari-Sari Network, Inc., at ang FPJ’s Ang Probinsyano2 Good 2 Be True, A Family Affair, Love in 40 Days, at ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN, upang ibahagi na talagang masaya kapag lahat ay sama-sama.

“It is such a groundbreaking feat to finally bring together all these talented stars in a way that was never thought possible before. We are proud to achieve this in TV5, and it truly gives more meaning to the network’s new ‘Iba’ng Saya Pag Sama-Sama’ campaign. This Station ID serves as a glimpse of what we have in store for our viewers in the coming days and months, showcasing TV5 as the platform that features the stars and programs from some of the industry’s top content producers,” ani Cignal TV at TV5 President at CEO Robert P. Galang. 

Dagdag pa sa groundbreaking feats ng Kapatid Network ang paparating na back-to-back na pagpapalabas ng dalawang powerhouse shows na babaguhin ang takbo ng Philippine TV. Simula ngayong Hulyo 16, ang Lunch Out Loud  at It’s Showtime ay magpapalakas sa bagong Lunchtime Saya block ng TV5. Tiyak na ito’y aabangan ng mga manonood para sa kanilang pang-araw-araw na noontime entertainment. 

Abangan ang bagong Iba’ng Saya Pag Sama-Sama Station ID sa Facebook page ng TV5 at YouTube channel o bisitahin ang link na ito: https://fb.watch/e21U8G8uOp/.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …