Tuesday , May 13 2025

Kampo ng kontrobersiyal na shareholder lumusob sa Okada Manila

NASANGKOT sa kontrobersiya noong nakaraang buwan ang kilalang hotel and casino — ang Okada Manila nang marahas na lumusob ang kampo ni Kazuo Okada at ang kanyang mga kasabwat na Filipino businessmen.

Ang Japanese businessman, nahaharap sa 29 kaso sa iba’t ibang bansa — 12 sa Japan, anim sa Hong Kong, pito sa Filipinas, isa sa South Korea, isa sa Macau, at dalawa sa Amerika, ay kapangalan ng Okada Manila pero hindi ang may-ari ng hotel at casino at hindi rin shareholder sa Tiger Resort Leisure and Entertainment Inc. (TRLEI), ang operator ng hotel at casino.

Sa record, matagal nang napatalsik si Kazuo sa board ng TRLEI dahil sa maling pamamahala at kawalan ng kompiyansa ng mga investors at shareholders ng Tiger Resort Asia Ltd. (TRA), Universal Entertainment Corp. (UEC), at maging ng Okada Holdings Ltd. (OHL).

Noong 31 Mayo 2022, gamit ang status quo ante order mula sa Supreme Court (SC), si Kazuo, kasabwat ang ilang maimpluwensiyang Filipino businessmen sa pangunguna nina Tony Boy Cojuangco at Dindo Espeleta ay pumasok sa loob ng hotel at casino, at ‘ilegal’ na inaako ang pamamahala at paged-deploy ng huwad na board of directors.

Sa kautusan ng mataas na hukuman, temporary relief ang panukala, habang nirerebyu ang merito ng kaso ay nangangailangan lamang na ibalik ng mga partido ang estado ng mga pangyayari bago patalsikin si Kazuo Okada mula sa TRLEI noong 2017.

Si Kazuo, kilalang may mapanlinlang na pag-uugali, sa buong taon niya sa negosyo, sa katunayan nakatira siya sa Japan at natatakot bumisita sa Filipinas dahil sa kasong kriminal na kinakaharap.

Ipinakita sa record ng korte na si Kazuo Okada at mga kasamahan na si Takahiro Usui, kapwa dating humawak ng posisyon sa pamamahala sa Okada Manila ay naglustay ng hindi bababa sa $3.16 milyon bago napatalsik noong 2017 kaya sinampahan ng kasong estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code dahil sa hindi awtorisadong pagbabayad kay Kauzo ng $443,835.62 noong 30 Abril 2017, $2.22 milyon noong 9 Mayo 2017, at isa pang $500,000 noong 30 May 2017.

About hataw tabloid

Check Also

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …

Bustos Bulacan

Nagpakilalang taga-media at Comelec
Headquarters ng kandidatong VM pinasok ng armadong kalalakihan 

NAHINTAKUTAN ang ilang residente na nasasakupan ng isang barangay matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan …

Gerville Jinky Bitrics Luistro Noel Bitrics Luistro

Congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, former mayor Noel “Bitrics” Luistro magkasabay na bumoto

MAGKASABAY na nagtungo sina Batangas District 2 congresswoman Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro at si …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …