Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
ATR aircraft BE58 Fish Cargo aircraft Sangley Airport

Fish cargo aircraft ligtas na nakalapag sa Sangley Airport  

EMERGENCY LANDING ang ginawa ng isang fish cargo aircraft sa damuhang bahagi imbes sa runway ng Sangley Airport Kahapon.

Ayon kay Civil Aviation Authority (CAAP) spokesperson Eric Apolonio, ang naturang eroplano ay isang ATR aircraft BE58, may registry number RPC 5916 patungo sa Cuyo, Palawan para kumuha ng isda.

Ngunit nang makapag-take off ang nasabing eroplano ay napansin ng pilotong si Captain Jesse Bihasa at ng kanyang co-pilot James Patrick Bala na may problema ang right landing gear ng eroplano.

Dahil dito nagpasya ang piloto na ibalik ito sa Sangley airport dahil kompleto ang emergency facilities ng nasabing paliparan.

Sa kabutihang palad ligtas na nakalapag ang eroplano sa madamong bahagi ng airport runway.

Iniimbestigahan ng CAAP ang insidente. (RR)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …