Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rafael Nadal Nick Kyrgios

Rafael Nadal wala sa kondisyon sa pagharap niya kay Kyrgios sa semis

INAMIN ni Rafael Nadal na hindi siya ‘fit’ para harapin si Nick Kyrgios sa  Biyernes sa semi-finals ng Wimbledon pagkaraang nadale siya ng ‘abdominal injury’ na muntik nang magpasuko   sa kanya laban kay Taylor Fritz.

Kailangan ng second seed na manlalaro na  humiling ng ‘medical time-out’ sa 2nd set  at nagbalik ito na may bagsik.  Nanalo siya sa laban 3-6, 7-5, 3-6, 7-5, 7-6 (10-4) sa dikdikang laban na tumagal ng apat na oras at 21 minuto.

Samantalang si Australian maverick Kyrgios ay nilampaso si Cristian Garin ng Chile sa iskor na 6-4, 6-3, 7-6 (7/5).

Ayon kay Nadal, ang 2008 at 2010 champion sa post-match press conference na hindi siya sigurado na mapapanatili ang kondisyon sa pagpapatuloy ng torneyo na target sana niya ang 3rd leg ng rare calendar Grand Slam.

“I can’t give you a clear answer because if I gave you a clear answer and tomorrow another thing happens, I will be a liar,” sabi ng  36-year-old na kampeon.

Si Nadal na binigyan ng ‘pain reliever’ sa nasabing match, ay nagsabing kailangan niyang  sumalang sa tests bago siya magdesisyon kung maglalaro pa sa All England Club.

Inamin ng Spaniard na pinayuhan siya ng kanyang ama at kapatid na babae na mag-quit sa quarter-final match laban kay Fritz pero hindi niya gusto ang ideya.

“I fought,” sabi niya. “Proud about the fighting spirit and the way that I managed to be competitive under those conditions.”

Si Kyrgios ay naked 40th sa buong mundo at tinatayang isang malaking banta kay Nadal kahit pa nga walang nararamdamang injury ang kampeon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …