NANINIWALA si promoter Sean Gibbons na kumpleto ang preparasyon ni WBC featherweight champion Mark Magsayo para gibain si Mexican challenger Rey Vargas.
Tiwala ang MP Promotions chief sa ‘punching power’ ni Magsayo at ang tuminding depensa nito para wakasin si Vargas sa paparating na weekend sa Alamodome sa San Antonio, Texas.
“Mark’s the new face of Philippine boxing,” pahayag ni Gibbons sa Quinito Henson’s report sa Philboxing. “I don’t consider Vargas a puncher and he’ll try to outbox Mark but Mark will cut him down.”
“It’ll be a late knockout win for Mark, maybe in the 10th round.”
Sa kasalukuyan ay ginabayan siya ni Freddie Roach na coach rin ng isa pang magaling na Pinoy boxer na si Marvin Somodio para lalong patindihin ang kanyang skills at pag-aralan kung paano haharapin ang may mahabang reach tulad ni Vargas.
Si Vargas ay dating super bantamweight champion na may taas na 5-10 at may habang 71-inch na reach.
Samantalang si Magsayo na may angking bagsik ng kamao ay may taas lang na 5-foo-6 at 67 and ½ inch na reach.
“His work in the gym has been amazing,” sabi ni Gibbons. “He’s stronger, his defense is tighter, his footwork is shiftier and his combinations are quicker.”
Napanalunan ni Magsayo ang WBC title nang talunin niya si Gary Russell sa pamamagitan ng majority decision nung Enero.
Si Vargas ang una niyang haharapin para sa kanyang unang title defense.