Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Harlene Budol Hipon Girl

Nicole Budol ginawang inspirasyon mga natatanggap na panglalait

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA si Nicole Budol, na mas kilala bilang si Hipon, na isang komedyante,  sa mga kandidata this year sa Binibining Pilipinas 2022. Ayon kay Hipon, maraming nagba-bash at nagdo-down sa kanya sa ginawa niyang pagsali sa nasabing beauty pageant. 

Komedyante lang daw siya at wala namang ganda. Hindi raw siya mananalo o makakakuha ng kahit isang korona sa Binibining Pilipinas.

Ayon kay Hipon, nasasaktan din siya sa ginagawang pagmamaliit sa kanya, pero nagsisilbing inspirasyon ‘yun para mas pag-igihan niya o gawin niya ang lahat, para manalo o makakuha ng isang korona sa Binibining Pilipinas 2022.

Sana sa mga humihila sa akin pababa, hilahin ninyo na lang akong pataas. At isasama ko pa kayo,” sabi ni Hipon sa mga detractor niya.

Bukod sa pagiging komedyante, kilala na rin si Hipon bilang isang influencer. Million na ang followers niya sa kanyang vlog. Pero bakit sa kabila nito, ay gusto pa rin niyang maging isang beauty queen?

Parang mas gusto kong palawakin ‘yung maiimpluwensahan ko. ‘Pag naging beauty queen  ka kasi, mas marami kang tao na maiimpluwensyahan. Magiging inspirasyon ako para sa kanila sa mga pinagdaanan ko sa buhay, sa mga achievement ko,” sagot ni Nicole.

Sino ba ang nag-impluwensiya sa kanya para sumali sa Binibining Pilipinas?

“Si Sir Wilbert Tolentino, ang aking mentor, ang aking sponsor. Lahat talaga, as in, ginagawa niya para sa akin. Abangan ninyo  sa vlog namin kung ano ang pinakarason kung bakit nakumbinsi niya ako na sumali sa Binibining Pilipinas,” sambit pa ni Nicole.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …