Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ronald Titong Dableo Sheerie Joy Lomibao-Beltran

GM candidate Dableo lalahok  sa WFM Lomibao-Beltran Rapid Open chess tournament

NAKATUTOK ang chess aficionados   kay Grandmaster candidate at International Master Ronald Titong Dableo sa pagtulak ng Woman Fide Master Sheerie Joy Lomibao-Beltran Rapid Open Chess Championship sa  Hulyo 10, 2022, Linggo,  na gaganapin  sa  Rockwell Business Center sa Mandaluyong City.

Si Dableo na dating Asian Zonal Champion ay tatangkain ang kanyang unang  major title sa taong ito.

Magsisilbing hamon kay  Dableo,  isa top players ng Philippine Army Chess Team at coach ng University of Santo Tomas Chess Team,   ang  iba pang bating na manlalaro  tulad  nina GM Rogelio “Joey” Antonio, Jr., GM Darwin Laylo, IM Daniel Quizon, IM Jan Emmanuel Garcia, IM Ricardo de Guzman, IM Angelo Young, IM Barlo Nadera at IM Chito Garma.

Ang National Chess Federation of the Philippines sanctioned tournament ay inisponsoran ni dating Olympian Woman Fide Master Sheerie Joy Lomibao-Beltran sa pakikipagtulungan nina Ms. China Aurelio at Ms. Mimi Casas ng Open Kitchen.

Ang magkakampeon ay tatanggap ng P10,000 plus trophy at iPhone mobile phone. Nakalaan sa second placer ang P7,000 plus medal, habang maisusubi ng third placer ang P5,000 plus medal.

May nakalaaan na Fossil Watches plus tig P1,000 sa mga category winners gaya ng top media, top PWD, top Kiddy (14 years old and below), top Junior (16 years old and below), top Senior (50 and above), top Non Master and top Executive at Tablets para sa top 8 years old and below boys at girls.

-Marlon Bernardino-

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …