PINAGHARIAN ni Kevin Arquero ng Pasay City ang katatapos na Chess for Christ Rapid Chess Tournament Biyernes, Hulyo 1, 2022 na ginanap sa Marikina City.
Si Arquero, isa sa top players ng Philippine Army chess team ay nakakolekta ng total 6.0 points matapos talunin ang dating solo leader Christian Mark Daluz ng Bulan, Sorsogon sa seventh at final round.
Nakagtipon din ng 6.0 points si Daluz pero nagkasya sa second place dahil mababa ang kanyang tie-break score.
Sa kanyang tagumpay ay nakamit ni Arquero ang top purse na P2,000 na papremyo ni Tournament Director Pastor at United States chess master Ruben Gumagay Ondangan Jr. na magkatuwang na inorganisa ng Amity Chess Club, Family in Christ Lancaster, California at ng JTGC Churches.
Nagkasya sa tabla si Top seed Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. ng Quezon City kontra kay International Master Angelo Young ng Manila sa final canto tungo sa 5.5 points para sa ikatlong puwesto.
Mga nakapasok sa top 10 ay sina Julius Gonzales, IM Angelo Young, Narciso Gumila, CM Genghis Imperial, NM Romeo Alcodia at NM Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr.
Sina April Joy Ramos (lady), Antonella Berthe Racasa ( lady), Ruel Sto. Domingo (marikina), Joey Villar (media), John Marcus lomio (high school) at Gabriel Cayanan (senior) ang mga category winners.
Ang tumayong Chief Arbiter ay si Pastor at National Arbiter Ranier B. Pascual, assistant niya sina NA Robert Racasa at NA Rusfranco Salcedo.
– Marlon Bernardino –