Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christine Bermas

Christine tiyak na pag-uusapan sa Scorpio Nights 3

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAPAKA-RAW at ibang-iba ang nakuha naming sagot kay Christine Bermas nang magkaroon ito ng solo presscon noong Miyerkoles ng gabi sa Botejyu Estancia para sa pinagbibidahan niyang pelikula, ang Scorpio Nights 3.

Tila hindi niya alam na star na siya kaya siya nagkaroon ng solo presscon na unang nangyari kay Angeli Khang.Karaniwan na kasing digital mediacon o lahat ng cast ang ipapa-face to face presscon. Pero sa kanila ni Angeli, solo ang ibinigay ng Viva.

Kaya naman natanong namin ito kung ano ang masasabi niya. At ang sagot ng dalaga, “Ganito pala ang feeling na may solo presscon, lalo na face to face, happy ako na na-experience ko ang ganitong presscon na nakikita ko kayo ng live,nakakausap ko kayo ng walang loss ng internet connection, nakikita natin ang isa’t isa.”

Kaya naman sinundan pa namin ng tanong na kung ramdam ba niya na isa siya sa importanteng star ng Viva kaya mayroon siyang solo presscon. 

At ang tugon niya rito, “Nararamdaman ko naman po ‘yun at sobrang sarap, sobrang nakakataba ng puso na ganoon po.”

Samantala, iginiit ni Christine na malaki ang pagkakaiba ng karakter niya sa Scorpio Nights 3 sa pagkatao niya. Aniya, “Ang laki ng difference sa real me sa ginagawa ko. Ako in real life sobrang conservative ko pero inihihiwalay ko ang life ko sa work. ‘Yung sa amin parang may split personality ako na ‘yung pagpapa-sexy ko ibang Christine yun at iba rin ‘yung Christine sa tunay na ako. 

“Well, siguro some of the movies na nagawa ko mayroon siyang pagkakatulad sa real life ko. Rito kasi sa ‘Scorpio Night’ isa akong cam girl na asawa ni Mark Anthony Fernandez, na kanang kamay ng mayor.”

Natanong din si Chrstine kung ang Scorpio Nights 3 ba ang tiyak na magpapataas ng career niya, ang tugon niya rito ay, “hoping ako riyan.”

 Aminadong excited at pressured si Christine sa pagiging leading star ng pelikula dahil alam niyang malaking papel ang gagampanan niya sa moder retelling ng  Scorpio Nights“Ang laking pressure nang nafi-feel ko noong una pa lang na sinabi sa akin na ako ang gaganap. Natuwa po ako at the same time ‘yung kaba na-feel ko,” ani 

Bumida na rin si Christine sa iba pang Vivamax Originals kagaya ng Siklo at Island of Desire. Makakasama niya rin sa pelikula bilang mga leading men sina Mark Anthony  at ang up-and-coming Vivamax actor na si Gold Aceron.

Mula sa Viva Films at multi-awarded director na si Lawrence Fajardo, na naghatid na ng iba’t ibang   tumatak at pinag-usapang Vivamax Originals kagaya ng X-Deal 2, Reroute, Mahjong Nights, at Nerisa.

Tingnang maige ang mga butas, baka may nagmamasid, baka may sumisilip. Mapapanood na ang Peque Gallaga’s Scorpio Nights 3 sa Vivamax simula sa July 29, 2022.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …