Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Genius Teens

25 tin-edyer bibida sa Genius Teens

NAALIW at nalula kami sa rami ng mga bida sa Genius Teens na pinamahalaan ng Italian director na si Paolo Bertola. May 25 teens kasi ang bida sa dapat pala ay one-season six episode series na nagtatampok ng local at international actors pero ngayo’y ginawang multi-chapter film.

Ang pelikula ay kinunan sa Nueva Ecija at ayon kay direk Paolo nagpa-audition sila.

Anang Italian director, may  500 teens, kids, at adults ang nag-audition.

Ang Genius Teens ay isang sci-fi action fantasy movie na nagpapakita kung paano prinoteksiyonan ng mga superhero ang earth. Ipakikita rin sa pelikula kung paano magpakatao, gayundin ang naggagandahang lugar sa Pilipinas, kultura, family, values, education, at kung paano nadiskubre ng bawat karakter ang kani-kanilang ability at power.

Ang pelikula ay original concept na binuo ng Pinoy, executive producer at writer na si Mario Alaman gayundin ang soundtrack nito.

Ang direktor na si Bertola naman ay isang VFX designer at may-ari ng Your Post Productions na siya ring humawak ng post-production ng Genius Teens.

Kasama sa pelikula sina Ruben Maria Soriquez bilang si Megiddo; Dionne Monsato bilang Agua; Ces Aldaba bilang Lolo Hector, ang earth god at iba pa.

Sa mga teen actor of the new millennium na kasama naman sa pelikula sina Bamboo Bobadilla bilang Laser, Arianne Butch bilang Beast, Ernest Beaver Magtalas bilang Hopper, Princess Lucas bilang Hollow at marami pang iba.

Ang Genius Teens ay mapapanood sa KTX simula July 15 na mayroong two parts—Heroes and Villains at Dark Encounter. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …