MA at PA
ni Rommel Placente
SA balitang nakuha na ng GMA 7 ang rights para maipalabas sa kanila ang The Voice Kids Philippines, na napanood sa ABS-CBN mula May 2014 hanggang November 2019, isa si Sarah Geronimo sa magiging coach pa rin dito. Meaning, babalik na sa Kapuso Network ang Pop Princess.
Pero, wala pala itong katotohanan, mananatili pa rin sa ABS-CBN ang singer-actress.
Ito ay ayon sa isang malapit kay Sarah. Walang balikang mangyayari. In fact, simula sa July ay mapapanood na ulit sa ASAP Natin ‘To ang misis ni Matteo Guidicelli.
Pero isang beses sa isang buwan lang mapapanood si Sarah sa Sunday noontime musical-variety show ng Kapamilya Network.
Ang dahilan, nawiwili siya sa pagiging misis ni Matteo at nakatutok din ang atensiyon niya sa recording ng mga bagong kanta para sa kanyang bagong album.
At least, hindi naman mawawalan ng exposure si Sarah. Mapapanood pa rin siya sa telebisyon kahit once a month nga lang. ‘Yun naman ang importante, na nakikita pa rin siya sa telebisyon ng publiko, lalo ng kanyang mga tagahanga, ‘di ba?