Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ivana Alawi Gerlad Anderson Sam Milby Jake Ejercito Jameson Blake

Gerald gulat na gulat sa intimate scenes nila ni Ivana
‘DI BA PANG TV ITO, HINDI PANG NETFLIX?

IBANG klase palang humanga sa kapwa artista niya si Gerald Anderson. Aba eh inamin niyang fan siya ni Ivana Alawi dahil galing na galing siya sa ipinakitang arte nito sa kanilang bagong drama series, ang Family Affair.

Ani Gerald, ibang klase ang ipinakitang dedikasyon at propesyonalismo ni Ivana sa A Family Affair. Kaya nga nakapagbitaw ito ng salita na kahit matapos na ang kanilang serye tiyak na panonoorin niya si Ivana sa mga iba nitong project.

Pero hindi lang puro drama ang mapapanood sa A Family Affair dahil aminado ang mga bida ritong sina Ge at Ivana na mayroon silang maiinit na eksena. Katunayan iginiit ng aktor na ikasa-shock ng mga viewer ang mapapanood nila sa serye. 

Mag-asawa ang karakter na ginagampanan nina Gerald at Ivana na unti-unting masisira ang relasyon dahil sa mga lihim ng kanilang mga pamilya.

At sa maiinit na eksena nina Gerald at Ivana, in-explain naman pala sa aktor ni Direk Jerome Pobocan ang mga gagawin niya. 

“Sabi ko, ‘Talaga, direk? Talaga? ‘Di ba, pang-TV ‘to?’ Sabi niya, ‘Hindi, pang-Netflix ‘to!’

“Siyempre first leading role ni Ivana. Sabi ko, ‘Paano natin gagawin ‘to na magiging comfortable siya sa scene?’

“Kinakausap ko ‘yung mga PA (production assistants), si direk. Minsan kapag feeling ko hindi na ganoon kakomportable o medyo parang may nakikita o medyo revealing, titingnan ko si direk. Kasi siya (Ivana) ‘yung priority,” esplika ni Gerald tungkol sa maiinit nilang eksena.

Makakasama rin nila rito sina Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake sa direksyon ninaPobocanat Raymund Ocampo. (MVV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …