Thursday , April 17 2025
Morissette Amon

Asia’s Phoenix na si Morissette nasa NYMA na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

LUMIPAT na ang Asia’s Phoenix na si Morissette sa bagong talent management na NYMA o Now, You Must Aspire ng Kroma Entertainment.  

“At NYMA, we’re extremely excited to witness Asia’s Phoenix take to the skies and beyond for the next chapter of her career. We’re honored that Morissette has chosen to bring her immense talents to NYMA, who joined us last May 1. We can’t wait to share with the world the relaunch of Morissette,” ani Kat Bautista, Head ng NYMA.

Unang ipinamalas ni Morissette ang galing sa pagbirit sa Star Factor ng TV5 at unang season ng The Voice Philippines ng ABS-CBN. Binansagan siyang Asia’s Phoenix matapos ang kanyang makapigil hiningang performance sa Asia Song Festival 2017 sa Busan, South Korea.

Bumida rin si Morissette sa Disney in Concert: A Tale as Old as Time noong 2019 na inawit niya ang iba’t ibang Disney Songs. Kalaunan, napili siya ng Disney para kantahin ang theme song na A Whole New World ng Aladdin. Dito nakilala niya ang batikang Hollywood actor na si Will Smith at  nakasamang magtanghal si Alan Menkenpara sa isang special clip ng pelikula.

Nakatrabaho rin niya ang sikat na Grammy awardee na si Michael Bolton sa dalawang international talent competitions, ang Bolt of Talent ng Star World Asia at Fox TV at sa Asian Dream ng AXN Asia.

Noong 2021, inilabas ni Morissette ang kanyang debut album na Signature na nagtataglay ng mga orihinal na kantang siya mismo ang nagsulat. Tampok dito ang hit single na Love You Still kasama ang kanyang asawang si Dave Lamar. Pumasok ito sa music charts ng mahigit 12 na bansa kabilang ang US at UK, ang unang pagkakataong may babaeng OPM artist na umabot sa Pandora Predictions Chart at nag-number 7 sa Billboard Next Big Sound chart.

Para sa kanyang 10th anniversary sa industriya noong Enero, isang virtual concert na pinamagatang Phoenix ang inialay ng singer para sa kanyang fans.

Kamakailan, nag-viral na naman ang high notes ni Morissette mula sa kanyang swabeng performance ng kanyang orihinal na kantang Power sa Miss Universe Philippines 2022 coronation night.

“I aspire to fly on to the world stage, and together with NYMA, soar to new heights,” ani Morissette na excited sa bagong yugto ng kanyang karera.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Chryzquin Yu

Chryzquin Yu rising star ng Blvck Entertainment

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGGULAT sa kanyang performance ang pambato ng Blvck Entertainment Production Inc., si Chryzquin …

Pilita Corrales Jackie Lou Blanco Ramon Christopher

Pilita walang malubhang sakit: She died in her sleep

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “SHE died in her sleep, hindi siya nahirapan.” Ito ang tinuran ni Jackie …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

Faith Da Silva Libid Grand Santacruzan

Santacruzan buhay na buhay sa Binangonan: Libid Grand Santacruzan sa Mayo 4 na

MASUWERTE si Faith Da Silva dahil siya ang napilli ng mga taga-Binangonan lalo ang mga taga-Brgy. Libid …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …