Monday , December 23 2024
Gun Fire

Selosan sa bebot
LABORER SUGATAN SA BOGA NG PARAK

SUGATAN ang isang construction worker at isang lalaking mapadaan sa insidente ng pamamaril ng isang pulis sa Brgy. 26, sa lungsod ng Bacolod, nitong Linggo, 19 Hunyo.

Kinilala ang mga biktimang sina Richard Jimenez, 30 anyos, construction worker, residente sa Brgy. 26; at Jorem Sibug, 24 anyos, residente sa Brgy. 27, sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay P/Maj. Ritchie Gohee, hepe ng Bacolod Police Station 4, nagtungo dakong 12:30 am kahapon ang suspek na kinilalang si P/MSgt. Jeff Desucatan sa Brgy. 26 upang bisitahin ang isang kaibigang nabatid na dating nobya ni Jimenez.

Inakala umano ni Jimenez na may relasyon si Desucatan at ang kanyang dating nobya kaya kinompronta niya ang pulis na nauwi sa pagtatalo.

Ayon sa mga nakasaksi, tatlong beses nagpaputok ng baril si Desucatan matapos ang kanilang pagtatalo.

Tinangka rin umanong hampasin ni Jimenez ng bote si Desucatan kaya nagawa siyang barilin sa kaliwang paa.

Samantala, natamaan ng ligaw na bala ang isa pang biktimang si Sibug na naglalakad pauwi sa kanilang bahay.

Tumakas si Desucatan at nagtago sa bahay ng isang kaibigan sa parehong barangay nang siya ay madakip.

Isinuko ng suspek sa pulisya ang kanyang baril na inisyu ng pamahalaan, isang Glock 17, may magasin at apat na bala.

Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ang tatlong hindi pumutok na bala at apat na basyo ng bala ng baril.

Ani Gohee, nagkaroon ng naunang pagtatalo sina Desucatan at Jimenez na hinihinalang maaaring dahilan ng galit ng biktima sa suspek.

Ayon sa pamunuan ng Bacolod Police Station 4, hinihintay nila ang desisyon ng pamilya ng biktima kung magsasampa ng kasong kriminal laban kay Desucatan.

Bukod sa mga kasong kriminal, maaari rin maharap si Desucatan sa mga kasong administratibo, ayon kay P/Lt. Col. Sherlock Gabana, tagapagsalita ng Bacolod CPS.

Dagdag ni Gabana, magsasagawa ang kanilang hanay ng sariling pagsisiyasat habang nagsasagawa rin ang Provincial Internal Affairs Service ng moto proprio investigation.

Inilinaw ni Gabana, hindi sisibakin sa kanyang tungkulin si Desucatan bilang desk officer sa Bacolod Police Station 2 habang hindi pa tapos ang imbestigasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …