Monday , November 18 2024
Ella Cruz

Ella sa sexy movies sa Vivamax: Ay ibang level ‘yun, hindi ko kaya 

v

KARANIWANG umaatikabong mga sexy scene ang mga pelikulang ginagawa ng Viva Films kaya naman natanong si Ella Cruz, isa sa mga bida ng horror movie na Rooftop kung kaya ba niyang gumawa ng mga pelikula na ngayon, hindi ko kaya. Nakakaloka! Sa horror films na lang muna ako!,” nangingiting sagot ng dalaga.

Okey naman kay Ella na gumawa ng daring o sexy movie pero, “For as long as may reason para magpaka-daring. Kung walang reason, wag na lang. 

“Siyempre ‘yung tanggap pa rin nina Mama at Papa at ‘yung tanggap ko rin, kung kaya ko, kung handa na ba ako sa role na ito.

“Siyempre kailangan mo ring isipin na puwedeng ika-change ng career mo kung hindi mo na-handle ng tama, and kung alam mo sa sarili mo na magagampanan mo ng maganda,” paliwanag  ni Ella na ginagampanan ang role ni Wave, isa sa mga estudyanteng nasangkot sa isang prank na ikinamatay ng school janitor na si Epy Quizon.

“Ako ‘yung youngest sa grupo namin nina Ryza Cenon, Marco Gumabao, Rhen Escano, Marco Gallo, at Andrew Muhlach. Ang challenge is first time ko sila lahat nakatrabaho, so I was thinking of our group chemistry.

“Magdye-jell ba kami and how we will react to each other sa ganitong film na lahat kami mga bida. Buti na lang, we all got along fine easily kaya naging madali ang shoot.

“Pero mahihirap ang mga eksena ng katatakutan ha. Si Kuya Epy kasi, minumulto niya kaming lahat, isa-isa, to get even with us kasi lahat kami involved sa nangyaring krimen that we tried to cover up,” ani Ella na hindi naman ngayon lang nakagawa ng horror film.

Kasama ri Ella sa mga pelikulang Cry No Fear, Dark Room, Biyernes Santo, Shake Rattle & Roll, Dilim,  at ang horror TV series na Parang Normal Activity.

Bagamat maraming horror movie na nagawa si Ella nilinaw niyang hindi  siya fan ng horror movies.

“I don’t watch them kasi madali akong matakot. That’s why I didn’t go sa premiere night ng ‘Rooftop’ sa SM Cinema. Kung manood man ako, I usually cover my eyes so I won’t see the scary scenes,” anito.

At kahit hindi niya napanood ang kanilang Rooftop, tiniyak niyang nakakatakot talaga ang kanilang pelikula. “Sa shoot pa lang kasi kapag lumalabas si Kuya Epy as the multo na naka-prosthetic, luwa ang mata, disfigured ang mukha na parang zombie, natatakot na kami.

“Tapos may scene na bigla akong lumutang sa ere dahil sa multo. Abangan n’yo ‘yun,” excited na tsika ni Ella. 

Palabas na ang Rooftop sa Vivamax na idinirehe ni Yam Laranas.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …