Friday , November 15 2024
dead gun police

Caretaker ng farm todas sa pamamaril

Binawian ng buhay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa harap ng kanyang bahay sa bayan ng Cavinti, lalawigan ng Laguna nitonf Martes ng gabi, 14 Hunyo.

Nabatid na dakong 8:30 ng gabi nang makatanggap ng impormasyon ang Cavinti MPS sa pamamagitan ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen tungkol sa insidente.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Cavinti MPS sa pangunguna ni P/Maj. Ramises De Castro sa nasabing lugar upang iberepika ang katotohanan ng ulat.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na dumating ang hindi kilalang suspek na nakasuot ng kulay abong jacket na may hood, sakay ng motorsiklong itim bilang getaway vehicle sa harap ng bahay ng biktimang kinilalang si Zacarias Sorongon, 67 anyos, balo, caretaker ng isang farm at dating Philippine Army (AWOL).

Tinawag umano ng suspek ang biktima at nagpanggap na may itatanong ngunit nang lumabas si Sorongon, bigla siyang binaril ng suspek gamit ang hindi mabatid na kalibre ng baril.

Tinamaan ng bala ng baril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Luisiana, Laguna gamit ang kanyang getaway vehicle.

Agad na ipinagbigay alam sa malapit na estasyon ng pulis ang insidente para sa isang dragnet operation habang humiling ang SOCO na payagan silang mag-occular processing sa pnangyarihan ng krimen.

Patuloy pa rin ang isinanasagawang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa likod ng pamamaslang. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …