Sunday , December 22 2024
3 drug personalities nalambat ng Laguna PNP

3 drug personalities nalambat ng Laguna PNP

Nasakote ng mga awtoridad sa lalawigan ng Laguna ang tatlong pinaniniwalaang sangkot sa ilegal na droga hanggang nitong Miyerkoles, 15 Hunyo.

Sa ulat ni Laguna PPO acting Provincial Director P/Col. Cecilio Ison, Jr. kay Calabarzon PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, dinakip ang tatlong drug suspects sa serye ng anti-illegal drugs buy-bust operations na ikinasa ng mga tauhan ng Laguna PPO.

Unang nadakip nitong Martes dakong 4:03 ng hapon, 14 Hunyo, ng mga tauhan ng San Pablo CPS sa pangangasiwa ni P/Lt. Col. Garry Alegre ang suspek na kinilalang si Ryan Umali, 38 anyos, binata, jeepney driver, at residente ng Brgy. San Roque, sa lungsod.

Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,500; P500 buybust money; at P100 bill.

Sunod na naaresto dakong 12:31 ng umaga nitong Miyerkoles, 15 Hunyo, ng mga elemento ng San Pedro CPS sa pangunguna ni P/Lt. Col. Socrates Jaca ang suspek na kinilalang si Christopher Agpoon alyas Resty, 44 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Sampaguita, sa lungsod.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu; isang coin purse; at P100 bill.

Dinampot ng mga tauhan ng Mabitac MPS sa pangangasiwa ni P/Capt, Eviener Boise rang suspek na kinilalang si Zherwin Andaya, 21 anyos, binate, construction worker at residente ng Brgy. Cabuoan, Sta. Maria, Laguna, dakong 1:39 ng umaga kahapon sa Brgy. Nanguma, sa nabanggit na bayan.

Nasamsam mula sa suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P2,000; at P500 na buybust money.

Nasa kustodiya ng pulisya ng kani-kanilang operating unit ang mga naarestong suspek at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang isusumite ang mga nakuhang ebidensya sa Crime Laboratory Office para sa forensic examination.

Pahayag ni P/BGen. Antonio Yarra , “Sa mga tagalalawigan ng Laguna, ipinaabot ko po na hindi po kami titigil sa pulisya ng Laguna sa pagsugpo sa ilegal na droga hanggang malinis sa ipinagbabawal na gamot o droga ang buong lalawigan ng Laguna.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …