Friday , November 15 2024
Sa Laguna 6 DRUG SUSPECTS TIMBOG SA SERYE NG BUY BUST OPS

Sa Laguna
6 DRUG SUSPECTS TIMBOG SA SERYE NG BUY BUST OPS 

NASAKOTE ng mga awtoridad sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Laguna ang anim na pinaniwalaang mga tulak ng ilegal na droga sa ikinasang serye ng buy bust operations nitong Lunes, 13 Hunyo.

Iniulat ni Laguna PPO Acting Provincial Director, P/Col. Cecilio Ison, Jr., kay CALABARZON PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, ang pagkakaaresto sa anim na drug suspects sa anti-illegal drug buy bust operations na ikinasa ng mga alagad ng batas.

Nadakip ng mga tauhan ng San Pablo CPS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Garry Alegre, ang suspek na kinilalang si Derick Samonte, alyas Ashlong, 23 anyos, walang trabaho, at residente sa Brgy. San Cristobal, San Pablo, dakong 6:32 pm kamakalawa sa Brgy. Sta Monica, San Pablo.

Nakompiska mula sa suspek ang 10 pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, tinatayang nagkakahalaga ng P10,000; P1,000 buy bust money; P150 cash; at isang pakete ng sigarilyo.

Nadakip ng mga tahan ng Calamba CPS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Arnel Pagulayan, ang mga suspek na kinilalang sina Jeffrey Atienza, alyas Jeff, 37 anyos, may asawa, tricycle driver, residente sa Brgy. 2, Calamba; at Avelyn Villanueva, alyas Abby, 41 anyos, binata, walang trabaho, residente sa Purok 7, Brgy. Parian, Calamba City dakong 8:46 pm kamakalawa.

Nasamsam mula sa mga suspek ang limang pirasong sachet ng hinihinalang shabu, tinatayang may timbang na anim na gramo, at tinatayang nagkakahalaga ng P40,800; P500 buy bust money; isang pakete ng sigarilyo; at isang coin purse.

Samantala, sa hiwalay na operasyon ng pulisya ng Calamba CPS, naaresto si Rowel Valdez alyas Piso, High Value Individual (HVI), 32 anyos, driver, residente sa Brgy. Lawa; at Eduardo Barabas, 45 anyos, driver, residente sa Brgy. Parian, Calamba, dakong 6:28 pm kamakalawa sa Abelardo Homes, Brgy. Lawa, na nagbebenta ng ilegal na droga sa pulis na poseur buyer kapalit ng P500.

Nasamsam mula sa mga suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, inilagay sa isang plastic zip lock, tinatayang timbang na 1.8 gramo, at nagkakahalaga ng P12,240.; isang pirasong sigarilyo; P500 buy bust money; P350 drug money.

Nasukol ng mga elemento ng Sta. Cruz MPS sa pangangasiwa ni P/Lt. Col. Paterno Domondon, Jr., si Leimar Cartabio, alyas Mojacko, 23 anyos, binata, walang trabaho, high school graduate, at residente sa Brgy. Santisima Cruz, dakong 8:00 pm kamakalawa sa Sitio Maulawin, Brgy. Santisima Cruz, Santa Cruz.

Nakompiska ang apat na sachet ng hinihinalang shabu, may street value na P7,400 at may timbang na 1.1 gramo; P500 ginamit bilang marked money; at isang coin purse.

Nasa kustodiya ng pulisya ng kani-kanilang operating unit ang mga naarestong suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Ang mga nakuhang ebidensiya ay isusumite sa Crime Laboratory Office para sa forensic examination.

Ani P/BGen. Antonio Yarra, “Ipinababatid po namin sa ating mga kababayan sa lalawigan ng Laguna na patuloy po tayo sa paglaban sa ilegal na droga hanggang masugpo ang masamang gawa o epekto nito sa mamamayan lalo sa kabataan.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …