Wednesday , May 14 2025
CebPac Cebu Pacific SINGAPORE

Mula Manila at Cebu,
FLIGHT PATUNGONG SINGAPORE DINAGDAGAN NG CEBU PACIFIC 

SA PATULOY na pagpapaunlad ng Cebu Pacific sa kanilang international network, dinagdagan ng airline ng flight patungong Singapore mula sa pinakamalalaki nitong hub, ang Maynila at Cebu.

Simula 1 Hulyo, dodoblehin ng Cebu Pacific ang kanilang araw-araw na flight sa pagitan ng Manila at Singapore sa pagdagdag nito ng flight sa umaga.

Nakatakdang umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang Flight 5J 813 dakong 5:35 am at nakatakdang dumating sa Changi Airport dakong 9:20 am, habang ang return flight na 5J 814 ay nakatakdang umalis sa Singapore dakong 10:15 am at dakong 2:00 pm darating sa Maynila. 

Simula ngayong araw, 15 Hulyo, muling sisimulan ng Cebu Pacific ang flight sa pagitan ng Cebu at Singapore, na magkakaroon ng tatlong beses isang linggong flight (Lunes, Miyerkoles, at Biyernes).

Nakatakdang umalis ang Flight 5J 547 ng Mactan Cebu International Airport Terminal 2 dakong 11:05 pm at nakatakdang lumapag sa Changi Airport dakong 3:00 am kinabuksan, habang ang return flight na 5J 548, may mga biyahe tuwing Martes, Huwebes, at Sabado, ay nakatakdang umalis sa Singapore dakong 4:00 am at dakong 8:05 am darating sa Maynila.  

“We are delighted to continue ramping-up our international flight frequencies, not only in Manila, but also in Cebu. We know majority of the travelling public have been looking forward to travel internationally again, especially since a lot of countries have eased their restrictions. We continue to work towards the expansion of our international network while we maintain operating over 100% of our pre-pandemic domestic capacity,” pahayag ni Xander Lao, CEB Chief Commercial Officer.

Hindi kinakailangang magpakita ang mga fully vaccinated na pasahero patungong Singapore ng pre-departure COVID-19 test.

Kailangan nilang maipakita ang kanilang proof of full vaccination (VaxCertPH or BOQ Yellow Card), at sagutan ang Singapore Arrival card tatlong araw bago ang kanilang pagdating sa nabanggit na bansa.

Para sa iba pang mga impormasyon, maaaring magtungo ang mga pasahero sa CEB Travel reminders page para sa mga pinakahuling update at kompletong travel guidelines.

Patuloy na inihahandog ng Cebu Pacific ang garantisadong mababang presyo ng ticket.

Tuloy-tuloy na ipinatutupad ng Cebu Pacific ang ‘multi-layered approach to safety’ – 100% ng kanilang crew ay bakunado, 95% nito ay boosted na – upang matiyak ang ligtas na biyahe ng bawat  pasahero. (KARLA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

Puregold Nasa Atin Ang Panalo OPM Con 2025 SB19, BINI G22 KAIA Skusta Clee Flow G Sunkissed Lola

Puregold Nasa Atin ang Panalo magtatampok ng mga bagong musikero at mga pasabog

ITATAMPOK muli ng Puregold ang talentong Pinoy kaugnay ng pangakong kumonekta sa kabataang Filipino, sa mga nagmamahal …

Krystall Herbal Oil

Krystall Herbal Oil proteksiyon sa pabago-bagong panahon

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis okey lang mag-endoso ng beauty product; Rhea Tan puring-puri kabaitan ng aktor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez OPISYAL na ipinakilala ng President/CEO ng Beautederm, Ms Rhea Anicoche-Tan ang bagong ambassador ng Belle …

SM Hypermarket Complete Home 2025

Complete Home 2025: Budols That Bring Joy to Your Home

SM Hypermarket’s Complete Home is Back — where incredible savings and home upgrade inspiration come …