Friday , November 15 2024
MWP ng Calabarzon tiklo sa panggagahasa

MWP ng Calabarzon tiklo sa panggagahasa

ARESTADO ang nakatalang most wanted person (MWP) ng CALABARZON PNP sa kasong rape at sexual assault sa ikinasang manhunt operation ng Sta. Rosa CPS nitong Miyerkoles, 8 Hunyo sa lalawigan ng Laguna.

Kinilala ni P/Col. Cecilio Ison, Jr., ang suspek na si Jonathan Larumbi, 47 anyos, walang trabaho, at nakatira sa M.H. Del Pilar St., Cabuyao, Laguna.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Paulito Sabulao, hepe ng Sta. Rosa CPS, dinakip ang akusado dakong 1:40 pm kamakalawa sa Brgy. Bubuyan, Calamba, sa bisa ng warrant of arrest sa mga kasong Rape at Sexual Assault na isinampa noong 11 Hulyo 2017.

Walang inirerekomendang piyansa sa kasong rape samantala P80,000 ang piyansa sa kasong sexual assault na inisyu ng Sta. Rosa City RTC Branch 101.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Rosa CPS ang akusado habang ang korte ay iimpormahan sa kanyang pagkaaresto.

Matagumpay na naisagawa ang operasyon sa pamamagitan ng nakalap na impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) ng komunidad.

Pahayag ni P/BGen. Antonio Yarra, “hindi titigil ang ating mga pulis sa pagtugis sa mga nagkasala sa batas at patuloy kaming magsasagawa ng operasyon upang mapanagot at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …