Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Customs BoC-NAIA P4.6-M KONTRABANDO TINUNAW

Abandonado at kompiskado P4.6-M ‘KONTRABANDO’ ‘TINUNAW’ NG BOC-NAIA

SA PAGSISIKAP ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA), na tiyaking lahat ng bodega at pasilidad sa Port of NAIA ay makapagbigay ng akomodasyon sa mga parating na importasyon, nagsagawa ang ahensiya ng kondemnasyon sa maraming abandonado at kompiskadong kargamento na tinatayang nasa P4.605 milyones ang halaga.

Kabilang dito ang iba’t ibang produkto gaya ng expired at hindi rehistradong food items, used UV lamps, ipinagbabawal na Chinese medicines, at 60 kahon ng pekeng sigarilyo tinatayang nasa P3.893 milyon ang market value.

Sa pamamgitan ng prosesong ‘pyrolysis’ sa ilalim ng superbisyon ng BoC-NAIA Auction and Cargo Disposal Division, nilusaw ang mga nasabing kontrabando.

Binigyan diin ni District Collector Carmelita M. Talusan ang kahalagahan na mapigilan ang pagpasok ng mga ipinagbabawal na produkto lalo ang mga pagkain at gamot na iniangkat nang walang kaukulang permiso.

Inilinaw din ni Collector Talusan ang kahalagahan ng pagnenegosyo at mabilis na pagre-release ng mga produkto.

Habang ang bansa ay patungo sa pagbawi mula sa perhuwisyong dulot ng pandemyang CoVid-19, sa pamamagitan ng pinasiglang pandaigdigang kalakalan, at iba pa, ang BoC-NAIA sa pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ay nananatiling dedikadong magsilbi bilang pangunahing puerto sa usapin ng pagpapadaloy ng kalakalan, koleksiyon ng buwis, at proteksiyon ng mga hangganan. (RR)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …