Friday , November 15 2024
Mt Bulusan

Bicol airports ligtas sa Bulkang Bulusan

HINDI naapektohan ang mga paliparan sa Bicol Region ng pagsabog ng bulkang Bulusan.

Kinompirma ito ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos magbuga ng volcanic ash at sumabog (phreatic eruption) ang Mt. Bulusan sa Sorsogon province.

Kabilang sa mga airport sa Bicol Region na nasa ilalim ng pangangaiswa ng CAAP ay ang Bulan Airport, Sorsogon Airport, Daet Airport, Masbate Airport, Naga Airport, Virac Airport, at Bicol International Airport.

“We remain vigilant and alert for the volcano’s next activities. As of now, our airports have been safe from the wrath of Mt. Bulusan’s eruption. Operations in our airports have remained unhampered as well,” ani CAAP Area V Manager Cynthia Tumanut.

Muling nag-isyu ng panibagong Notice to Airmen (Notam) ang CAAP bilang update sa nasabing insidente at sa kasalukuyang sitwasyon sa bisinidad ng Mt. Bulusan.

Inilagay sa alert level 1 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang nasabing bulkan at pinagbababawalan ang lahat na pumasok sa apat na kilometrong permanent danger zone.

Sa aviation, hindi pinahihintulutang lumipad ang anumang uri ng eroplano o makapag-operate ng 10,000 feet at inabisohang iwasang lumipad malapit sa bulkan. (RR)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …