Sunday , December 22 2024
4 drug suspects nasakote sa Laguna

4 drug suspects nasakote sa Laguna

ARESTADO ang apat na hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa serye ng buy bust operations na ikinasa ng mga awtoridad sa lalawigan ng Laguna nitong Lunes, 6 Hunyo.

Iniulat ni Laguna PPO Acting Provincial Director, P/Col. Cecilio Ison, Jr., kay PRO-4A PNP Regional Director, P/BGen. Antonio Yarra, ang pagkakaaresto sa apat na drug suspects sa mga lungsod ng Calamba at San Pedro, at sa bayan ng Sta. Cruz.

Nadakip ng Calamba CPS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Arnel Pagulayan ang suspek na kinilalang si Jeffrey De Guzman, 36 anyos, walang trabaho, at residente sa Brgy. 2, Calamba, dakong 6:26 pm nitong Lunes, 6 Hunyo, sa nabanggit na lugar, na nagbebenta ng ilegal na droga sa poseur buyer kapalit ng P500.

Nakompiska mula sa suspek ang anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu, tinatayang may 1.3 gramo at nagkakahalaga ng P8,840; coin purse na may lamang P300 pesos; at P500 bill na ginamit bilang buy bust money .

Sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya ng Calamba CPS, nasukol ang suspek na si Chen David Capacio, 27 anyos, helper, at residente sa Brgy. 2, Calamba, dakong 8:43 pm kamakalawa, sa Elepaño 1 Subdivison, Brgy. 3, nagbebenta ng ilegal na droga sa pulis na nagsilbing poseur buyer kapalit ng P500.

Nasamsam mula sa suspek ang anim na pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 1.1 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P8,160; isang coin purse na may lamang P350, at P500 ginamit bilang buy bust money.

Gayondin, nadakip ng mga tauhan ng San Pablo CPS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Garry Alegre, ang mga suspek na kinilalang sina John Marco Baldovino, 30 anyos, call center agent; at Roy Umali, 31 anyos, online tutor, at kapwa mga residente ng Brgy. San Gregorio, San Pablo, dakong 6:00 pm nitong Lunes, 6 Hunyo, sa Bria Homes, Brgy. San Gregorio, na nagbebenta ng ilegal na droga sa pulis na nagsilbing poseur buyer kapalit ng P500.

Nakompiska mula sa mga suspek ang apat na piraso ng plastic sachet, naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P2,000, isang coin purse na may lamang P300, at P500 buy bust money.

Samantala, nakorner ng Sta. Cruz MPS sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col. Paterno Domondon, Jr., ang suspek na kinilalang si Marilyn Banaag, 47 anyos, residente sa Brgy. Santisima Cruz, Laguna dakong 8:45 pm kamakalawa, sa Sitio Yakal, Brgy. Santisima Cruz, na nagbebenta ng ilegal na droga sa poseur buyer kapalit ng P500.

Nakompiska sa suspek ang pitong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, nagkakahalaga ng P6,800; isang pirasong coin purse at P500 na ginamit bilang buy bust money.

Nasa kustodiya ng pulisya ng kani-kanilang operating unit ang mga naarestong suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, samantalang isusumite ang mga nakuhang ebidensiya sa Crime Laboratory Office para sa forensic examination.

Pahayag ni P/BGen. Antonio Yarra, “Ipagpapatuloy namin ang pagpuksa sa ilegal na droga sa lahat ng paraan. Hinihimok ko ang mga tao na aktibong lumahok sa ating kampanya laban sa ilegal na droga upang mailigtas ang kanilang mga pamilya sa mga krimen na maaaring gawin ng mga personalidad na sangkot sa droga.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …