RATED R
ni Rommel Gonzales
ISA sa producer si Paulo Avelino ng pelikula nila ni Janine Gutierrez, ang Ngayon Kaya na ipalalabas sa mga sinehan sa June 22, kaya natanong namin ito kung ano ang challenges na kinaharap niya bilang producer?
“Actually for this late na namin napag-usapan eh, so ‘yung challenges for producing parang nasa side na ng T-Rex lahat,” anang aktor na ang tinutukoy ay ang kasosyong T-Rex Entertainment.
“Pero in the past andami, eh. Parang, well first of all ang problem naman all the time na hindi nawawala budget. Kumbaga pinagkakasya’t pinagkakasya kung anong kailangan.
“And it’s also not my first film produced for Janine, actually I co-produced ‘Dito At Doon’ with TBA [Studios].
“It’s in Netflix, with Janine and JC Santos.”
Tampok din sa Dito At Doon ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon na ipinalabas online noong March 2021.
Dahil Ngayon Kaya ang titulo ng kanilang bagong pelikula na isa sa pinakaunang pelikulang Filipino na ipalalabas sa mga sinehan ngayong taon, may isang bagay kaya na nais sana ni Paulo na mangyari NGAYON, ano KAYA iyon?
“Actually when… sasabihin ko sana ‘yung franchise ng ABS pero alam natin lahat na mahirap na,” at tumawa si Paulo. “So ‘yun lang, siguro sana mas lumakas pa ‘yung suporta ng Pilipinas sa pelikula natin na ginagawa natin dito.
“Kasi as we all know parang ‘yung highest grossing movies for the past couple of years hindi nga, hindi man lang Filipino, eh.
“So parang nakalulungkot.
“Hindi katulad sa India, na parang, ‘pag pelikula nila papanoorin nila, same with Thailand and other countries, Korea.
“Sana ganoon din po ‘yung dream ko for us na parang sana mas tinatangkilik ‘yung pelikula natin.”
Ang Ngayon Kaya ay idinirehe ni Prime Cruz.