Sunday , December 22 2024
Sa Dasmariñas, Cavite 2 OPISYAL NG CPP NPA TIMBOG

Sa Dasmariñas, Cavite
2 OPISYAL NG CPP/NPA TIMBOG

NASUKOL ng militar at pulisya ang dalawang pinaniniwalaang mataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa ikinasang joint operation sa lungsod ng Dasmariñas, sa lalawigan ng Cavite.

Ayon kay P/BGen. Antonio Yarra, PRO4A PNP regional director, kinilala ang mga nadakip na sina Evangeline Rapanut, alyas Chat; at kasama niyang si Randy Tamayo, alyas Deng.

Nahuli ang dalawa ng magkasanib na mga elemento mula sa Philippine Army (PA) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ang mga support unit sa Greenwood Heights Subdivision, Brgy. Paliparan 1, sa nabanggit na lungsod, nitong Martes ng hapon, 31 Mayo.

Ani Yarra, si Rapanut ang CPP Central Committee officer, kasalukuyang 2nd Deputy Secretary for Organization, at concurrent Deputy Secretary ng National Education Department (NED) ng CPP-NPA-NDF, habang ang kasama niyang si Tamayo ay isang communication staff ng NED, CPP-NPA-NDF.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder at frustrated murder na inisyu ng lokal na korte, dagdag ni Yarra.

Nasamsam mula sa mga suspek ang isang M16 Blackwater Bushmaster assault rifle, 18 rounds ng mga bala, hand grenade, blasting cap, ilang communication equipment at electronic devices.

Pahayag ni BGen. Cerilo Balaoro, Jr., commander ng 202nd Infantry Brigade, si Rapanut at ang kanyang grupo ang pangunahing tauhan ng CPP-NPA-NDF na namamahala sa pagsasagawa ng mga Kurso ng Partido at iba pang oryentasyong masa.

Kabilang umano sa target organisahin ang mga kabataan, estudyante, kabilang ang mga katutubo, unyon ng manggagawa, maralitang tagalungsod at magsasaka sa pamamagitan ng ‘kasinungalingan’ at ‘panlilinlang’ nang sa gayon ay mahikayat silang sumapi sa ‘communist terrorist group’ partikular sa New People’s Army.

“Dahil sa maraming pag-urong na dinanas sa rehiyon ng Calabarzon, ang mga rebelde sa rehiyon ay desidido sa pagre-recruit ng mga potensiyal na kadre sa politika at militar upang suportahan ang pagbawi ng Komiteng Probinsiya (Komprob) sa Batangas sa ilalim ng Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC) kasunod ng pagpapalawak sa industrial at economic hubs ng Cavite at Central Quezon,” ani Balaoro. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …