Saturday , November 16 2024
arrest, posas, fingerprints

Sa Biñan, Laguna
2 SUSPEK SA HOLDAP ARESTADO

NASUKOL sa isinagawang hot pursuit operation ang dalawang suspek na sangkot sa insidente ng robbery hold-up sa lungsod ng Biñan, lalawigan ng Laguna, nitong Huwebes, 2 Hunyo.

Sa ulat ni P/Col. Cecilio Ison, Jr., Acting Provincial Director ng Laguna PPO kay P/BGen. Antonio Yarra, Regional Director ng PRO4A PNP, kinilala ang mga suspek na sina Kenkhannamel Bati, 27 anyos, walang trabaho, residente sa Brgy. Tagapo, Sta. Rosa, Laguna; at Eljohn Espeleta, 25 anyos, mekaniko, residente sa Brgy. Malaban, Biñan, Laguna.

Personal na dumulog sa Biñan CPS ang biktimang kinilalang si Diana Rose Marquez at isinalaysay na habang hinihintay niya ang kanyang asawa dakong 2:40 am kahapon sa National Highway Almazora, Brgy. Canlalay, sa naturang lungsod, biglang sumulpot ang dalawang lalaking sakay ng itim na motorsiklong walang plate number, nakasuot ng itim na sando, puting face mask, at kulay kahel na helmet.

Nagdeklara ang mga suspek ng holdap habang nakatutok ang baril sa ulo ng biktima at puwersahang kinuha ang kanyang pitaka at cellphone saka tumakas patungong Brgy. San Vicente, sa lungsod.

Batay sa ulat, agad ipinag-utos ng hepe ng Biñan CPS na si P/Lt. Col. Jerry Corpuz ang pagkakasa ng hot pursuit operation.

Sa isinagawang operasyon, inilibot ng grupo ng Biñan CPS ang lugar at habang papalapit sa Capinpin St., Brgy. San Vicente, may napansin silang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na walang plate number at tumutugma sa pagsasalarawan ng biktima at kahina-hinalang gumagalaw sa lugar kaya pinababa sila ng mga pulis.

Nabigo ang mga suspek na magbigay ng mga dokumento ng baril at motorsiklo, hudyat para sila damputin.

Nakuha sa mga suspek ang isang baril, ilang cellphone, at ang motorsiklong walang plate number.

Nasa kustodiya ngayon ng Biñan CPS ang mga suspek habang inihahanda ang kasong Robbery Hold-up at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act para sa referral sa City Prosecutor’s Office.

Pahayag ni P/Col. Ison, Jr., “Naging kapuri-puri ang aksiyon ng Binan CPS sa insidenteng ito sa tulong ng maagang pagre-report ng biktima sa pulisya tungkol sa insidente.

Sa katunayan, ayon sa mga suspek, may na-hold-up pa sila sa ibang lugar bago ang biktima at ang apat pang cellphone na narekober sa kanila ay nakuha ang mga suspek sa kanilang mga biktima sa San Pedro, Carmona, at Sta. Rosa.”

Ani P/BGen. Yarra, “Imbestigahan namin kung involved din ang mga suspek sa series of robbery incidents sa Biñan City at nearby areas. Nanawagan kami sa mga naging biktima ng suspek na nagtungo sa Binan CPS.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …