Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dead body, feet

Tinangkang halayin, mag-ina patay suspek nang-agaw ng baril, todas

ni Edwin Moreno

TADTAD ng saksak at tusok sa mga katawan at naliligo sa kanilang sariling dugo nang makita sa loob ng kanilang bahay ang mga bangkay ng mag-ina at sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal.

Kinilala ni P/Lt. Dominic Blaza, PCP-2 commander, ang mag-inang biktimang sina Anabela Tacuycuy, 59 anyos, at anak na si Ana Lezel Bellena, 19 anyos, kapwa nakatira sa lugar.

Gayundin, napaslang ang suspek na kinilalang si Ramcy Nerves, 49 anyos, land caretaker, at residente ng Sitio Kaysakat lll, Brgy. San Jose, sa nabanggit na lungsod.

Sa naantalang ulat ng pulisya, nabatid na dakong 5:00 ng umaga noong Lunes, nang mangyari ang brutal na krimen sa loob ng bahay ng mga biktima sa naturang lugar.

Napag-alaman ng pulisya na matagal ng manliligaw ng ina ni Lezel ang suspek hanggang sa sapilitang pinasok ang bahay ng mga biktima para umano makipagtalik, ngunit nanlaban si Anabela at tumulong ang anak.

Dahil dito, pinagsasaksak ng suspek ang mga biktima sa katawan at paa tanda na nanlaban ang mag-ina.

Ayon pa kay Blaza, gumagamit din ng droga ang suspek batay sa mga nakuhang shabu paraphernalia at narekober din ang ginamit na kutsilyo.

Dagdag ng mga kaanak, hindi nila akalain na gagawin ito ng suspek sa mga biktima dahil family friend at kapitbahay si Nervez.

Sa follow-up na imbestigasyong isinagawa ng mga awtoridad, nabatid na hindi puwersahang pinasok ng suspek ang bahay kaya sinundan nila ang patak ng dugo kung saan humantong sa bahay ng suspek hindi kalayuan sa mga biktima.

Samantala, nakatakda na sanang kasuhan ng double murder sa korte ang suspek mula sa PCP-2 Police Station sa Cogeo Antipolo nang  bigla umanong mang-agaw ng baril ng arresting officer kaya siya nabaril at napatay ng mga pulis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …