Friday , November 15 2024
road traffic accident

Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY

ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang motorsiklo ng isang baka sa bayan ng Bauan, lalawigan ng La Union.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, nasa gilid ng kalsada ang baka at hinihila ng magsasaka.

Huminto umano sa gilid ng baka ang rider saka nito sinipa ang huli na nakasakay pa sa kanyang motorsiklo.

Tumilapon ang rider sa kabilang bahagi ng kalsada at nahagip ng paparating na truck.

Pahayag ni P/Maj. Cresencio Abila, Jr., hepe ng Bauan MPS, “No\ng natapatan ng rider itong baka na nasa gilid ng highway, nagulat ito (baka) at ‘yun ang nag-cause ng pagkagulat ng baka, natadyakan niya itong rider.”

Nagkausap na umano at nagkaareglohan ang naulila ng rider, ang driver ng truck, at ang may-ari ng baka.

Samantala, pinayohan ni Abila ang mga nag-aalaga ng hayop na iwasan nang idaan sa kalsada ang mga baka o kalabaw.

“Sa mga nag-aalaga ng baka o kalabaw, kung maari ay idaan na lang sa may bukid ‘yung ating mga alaga. Huwag na rin tayong maglalagay ng alaga nating hayop sa gilid ng daan,” pakiusap ng opisyal.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …