Friday , November 15 2024

Sa Caloocan City
P55-M SHABU TIMBOG SA BIG TIME TULAK

ISANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makuhaan ng mahigit P55 milyong halaga ng shabu makaraang masakote sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan City police chief Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong suspek na si Tantawi Salic, alyas Tangie, 35 anyos, residente sa Phase 12, Riverside Brgy. 188 ng lungsod.

Batay sa ulat ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ulysses Cruz, dakong 3:50 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Gilmer Marinas, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Riverside Phase 12, Brgy. 188, Tala.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang suspek matapos bentahan ng P70,000 halaga ng shabu ang isang pulis na umakto bilang poseur buyer.

Nakompiska sa suspek ang halos 8,100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P55,080,000, ayon sa Dangerous Drug Board (DDB), pitong foil wrapper bag, isang travel backpack na kulay asul, isang digital weighing scale na kulay itim, dalawang tunay na P1,000 bills at 68 pirasong P1,000 boodle money na ginamit bilang buy bust money.

Kaugnay nito, binigyang pagkilala at pagpupugay ni P/BGen. Cruz ang Caloocan police sa pamumuno ni Col. Mina.  

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …