Friday , November 15 2024

Basketball court winasak
BBM YOUTH ‘UMIYAK’ NA INAPI VS ISKO

052322 Hataw Frontpage

NAGULANTANG ang mga kabataan sa Brgy. 329, Lope de Vega nang wala man lamang koordinasyon sa kahit kaninong opisyal ng naturang barangay na hahakutin ng pamunuan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Department of Public Service (DPS) ang kanilang basketball court.

Napag-alaman, noong nakaraang 14 Mayo 2022, nagtungo sa nasabing lugar ang pamunuan ng MTPB at DPS para kausapin ang mga ‘involve’ sa sinabing pa-liga ng barangay.

Ayon sa ilang tauhan ng nasabing liga, naging maayos ang kanilang naging usapan at hinikayat silang magtungo sa city hall ng araw ng Lunes, 17 Mayo, upang kausapin hinggil sa nakuhang impormasyon ng pamahalaang lungsod na ginagawang sugalan ang naturang basketball court.

Ngunit 15 Mayo, giniba ang Lope De Vega basketball court, walang nagawa maging ang mga opisyal ng barangay sa naging aksiyon ng lokal na pamahalaan.

Nalulungkot ang may 2,000 kabataang manlalaro na may 108 teams na lumahok sa Liga, pawang BBM supporters, dahil apektado sila ng pagwasak sa nasabing court at maging ang kanilang mga magulang.

Sinabi ng mga naturang manlalaro na wala naman silang ibang hangad kung hindi magkaroon ng paglilibangan upang makaiwas sa ilegal na droga o iba pang masamang bisyo gaya ng sugal.

Anila, mula noong 2007 nagsimula nang magkaroon ng Liga sa kanilang lugar at walang ganitong uri ng karahasang nangyari sa kanilang lugar.

At dahil sa inilunsad na basketball program sa naturang barangay naging ‘drug clear’ ang nasabing lugar.

Kinokondena ng mga manlalaro ng Lope De Vega ang ganitong uri ng aksiyon ng magwawakas na administrasyon, na tahasang nagpapakita ng kawalan ng pagmamahal sa mga kabataang Manilenyo.

Anila, naging masakit para sa kanila ang paggiba sa kanilang basketball court lalo ngayong nasa Alert level 1 na ang Maynila makalipas ang halos dalawang taon nilang pagkakakulong sa loob ng bahay dahil sa pandemya.

“Pinolitika kami ni Isko nang matalo sila sa aming barangay,” sigaw ng mga manlalaro ng Lope De Vega. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …