UMAABOT sa 31 gramo ng hinihinalang shabu ang nakompiska ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit (PIU-PDEU) habang arestado ang dalawang pinaniniwalaang mga tulak sa kanilang ikinasang anti-drug operation sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal.
Sa ulat ni Rizal PPO Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kay PRO4-A PNP Regional Director P/BGen. Antonio Yarra, kinilala ang mga nadakip na sina Jonathan Mariano, alyas Athan, 35 anyos, ng Brgy. San Jose, Antipolo; at Michael Orcio, 38 anyos, ng Brgy. San Andres, Cainta.
Sa tala ng tanggapan ni P/Maj. Joel Custodio, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU), nasamsam mula sa mga suspek ang 37 gramo ng hinihinalang shabu na tintayang nagkakahalaga ng P251, 600; buy bust money; at shabu paraphernalia.
Nauna rito, ilang linggong nagsagsawa ng surveillance ang mga awtoridad laban kay alyas Athan na target ng operasyon dahil sa lantaran umanong pagtutulak sa lugar kung saan sila nadakip. (EDWIN MORENO)