Sunday , May 11 2025
Sa Calauan Laguna NO 6 MWP NG CALABARZON TIMBOG Boy Palatino

Sa Calauan, Laguna,
NO. 6 MWP NG CALABARZON TIMBOG

NADAKIP ng mga awtoridad ang pang-anim sa most wanted persons ng Calabarzon PNP sa ikinasang manhunt operation sa bayan ng Calauan, lalawigan ng Laguna, nitong Lunes, 16 Mayo.

Iniulat ni Laguna PPO Director P/Col. Cecilio Ison, Jr., kay PRO-CALABARZON Regional Director P/BGen. Antonio Yarra ang pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Rogelio Brion, 66 anyos, magsasaka, at residente sa Brgy. Lamot 1, sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Philip Aguilar, hepe ng Calauan MPS, nasakote ang akusado dakong 6:32 pm kahapon sa naturang lugar sa bisa ng warrant of arrest, sa kasong Robbery with Homicide, may inirekomendang piyansang P200,000, inisyu ng San Pablo City RTC Branch 30.

Matagumpay na naisagawa ang operasyon sa pamamagitan ng nakalap na impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) ng komunidad

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calauan MPS ang naarestong suspek habang ipinadala na ang abiso sa court of origin.

Pahayag ni P/BGen. Yarra, “Kapuri-puri ang Calauan MPS sa kanilang accomplishment lalo sa kampanya nito laban sa mga wanted person. Patuloy na tututukan ang mga wanted na kriminal kahit magtago sila sa malalayong lugar.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Nene Aguilar

Suporta sa miting de avance ng tatak Nene Aguilar team, bumuhos

BUMUHOS ang suporta ng libo-libong Las Piñeros sa miting de avance ng Tatak Nene Aguilar …

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …