Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeli Khang

Angeli Khang, battered child ng Koreanong ama

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 Sa kabilang banda, naikuwento ni Angeli ang pagiging battered child. Ito ‘yung pananakit ng kanilang amang Koreano sa kanilang magkapatid.  

Nasa Saipan, Northern Mariana Islands ang Korean father ni Angeli at nagpapatakbo ng construction business doon. Hindi puwedeng umuwi ng Pilipinas ang tatay niya kinasuhan nila ito ng paglabag sa Republic Act 9262o  Anti Violence Against Women and their Children.

Ang nanay ni Angeli ang kasama niya sa Pilipinas.

 “I don’t wanna say bad things about my dad but noong growing up he had different perspective ng pagtuturo sa amin ng mga anak niya, he’s a war freak and also an abusive dad and abusive husband to my mom.

“Noong ipinanganak ang dad ko time ng World War 2 at taga-North Korea talaga sila at tumakas sila papuntang South Korea. Growing up daw hindi alam ng grandmother ko kung saan nakuha ng dad ko ‘yung attitude niya na war freak na ‘pag may hindi nagustuhan hit agad,” pagtatapat ng dalaga.

At dahil sa pangyayari, sinasaktan ni Angeli ang sarili sa pamamagitan ng paghihiwa sa kaliwang braso. Aniya halos hindi niya nararamdaman ang ginagawa niya kahit nagdudugo na iyon at nae-enjoy niya kapag nakakakita siya ng maraming dugo at kung paano mamatay ang isang tao.

Nang ipa-check siya sa Psychiatrist ay naging okay na siya at ayaw na niyang makakita ng maraming dugo. At dahil din sa madalas na pagdarasal sa kanya ng kanyang ina kaya gumaling siya. Sa ngayon, tinakpan ni Angeli ng tattoo ang ginawang paghihiwa sa sarili. 

Ani Angeli, mag-aapat na taon na silang hindi nagkikitang mag-ama pero ramdam pa rin niya ang takot. Kaya hindi kataka-takang may talento sa pag-arte si Angeli dahil malalim ang kanyang pinaghuhugutan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …