Tuesday , December 24 2024
Quezon City QC Joy Belmonte

Pangako ni Belmonte, MARAMI PANG REPORMA PARA SA QCITIZENS

IBAYONG pagbabago, at maraming reporma para sa QCitizens ang pangakong binitiwan ni Quezon City Mayor-elect Joy Belmonte bilang pasasalamat sa iginawad sa kanyang pangalawang termino ng mga mamamayan ng lungsod.

Sa kanyang mensahe ng pasasalamat, nangako si Belmonte na “mas pinaigting na serbisyo” ang manggagaling sa pamahalaang lungsod.

“Buong pagpapakumbaba po akong nagpapasalamat sa ating mga QCitizens sa pagbibigay muli ng tiwala at suporta sa ating nasimulang pagbabago,” ang pahayag ng Mayora.

Aniya, ang kanyang mga botong natamo ay “malinaw na patunay” na nararamdaman ng mga QCitizens ang mga programa at mga proyekto ng kanyang administrasyon sa nakalipas na tatlong taon.

“Senyales din ito na nais ninyong ipagpatuloy ang mga reporma at pamahalaan ang City Hall,” paliwanag pa ni Belmonte.

“Ngayong pinagkatiwalaan ninyo ako na muling pangunahan ang Quezon City sa susunod na tatlong taon, asahan ninyo ang mas pinaigting na serbisyo mula sa inyong pamahalaang lungsod. Patuloy nating isasaayos ang mga luma at baluktot na Sistema. Sa abot ng ating makakaya paglilingkuran natin ang lahat ng QCitizens sinoman ang kanilang ibinoto ngayong halalan,” pangako ni Belmonte.

Dagdag pa niya hihigitan nila ang mga nagawa na, sa tulong ng kanyang mga Kasama sa partidong Serbisyo sa Bayan Party (SBP) sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto, mga Kongresista at mga Konsehal.

“Tinitiyak ko na sa aming pagtutulungan, kasama ang bawat QCitizens sa pag-unlad. At sa ating pagkakaisa, patuloy na aangat ang ating mahal na lungsod. Muli marami pong salamat sa tiwala” ang pagtatapos ni Belmonte.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …