MATAPOS suspendehin ng pamahalaan ang operasyon ng e-sabong sa buong bansa, naglipa ngayon ang ilegal online sabong.
Ayon kay PAGCOR E-Gaming Licensing and Regulation Vice-President Atty. Jose Tria, na-monitor nga nila na naglabasan muli ang illegal e-sabong matapos suspendehin ang operasyon nito dahil sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga namamayagpag na illegal online sabong website ang pinassabong.live; pclive1.com; sabong-express.net; phbetting.live; goperya.com; phbet44.bet; phbet.bet; & phbetr.bet.
Sinabi ni Tria, batid nila na kapag sinuspende ang operasyon ng online sabong ay mag-i-illegal operation ang iba at sasamantalahin ang pagkakataon para kumita.
Ani Atty. Tria, nalulungkot sila na napupunta sa mga may-ari ng mga illegal e-sabong ang milyon-milyong kita nila araw-araw pero walang napupunta sa gobyerno.
Inihayag ni Atty.Tria, inimpormahan na nila ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na operasyon ng e-sabong at ngayon ay naghihintay ng kanilang action.
“We have already informed the authorities. We are just waiting for their action,” aniya.
Inamin ng PAGCOR na daan-daang milyong ang kinikita nila sa e-sabong buwan-buwan at malaki ang naitulong nito sa pamahalaan lalo na noong kasagsagan ng pandemya.
Magugunita na noong nakalipas na buwan ay iniutos ng Pangulong Digong sa PAGCOR na suspendehin ang e-sabong operation sa bansa dahil nakasosira na sa buhay ng maraming Pinoy