Thursday , November 21 2024
Hanoi SEA Games Philippines Gold

Hanoi  SEA Games
TOP-THREE FINISH HANGAD NG TEAM PHILIPPINES

HANOI — Naging napakadali para kay Olympian Ernest John Obiena na mapanatili ang kanyang pole vault title  habang ang Team Philippines ay naging prodaktibo sa araw na iyon nang manalo rin ng ginto sa triathlon, jiu-jitsu, fencing, at gymnastics nung Sabado para manatiling realidad ang misyon ng bansa para sa top-three finish kahit pa nga umaalagwa na sa unahan ang Vietnam sa paglarga ng 31st edition ng Southeast Asian Games.

Si Kim Mangrobang, 30, ay nananating competitive, iniwan niya ang grupo ng mga kalaban sa bike leg ng 1.5K swim, 40K bike, at 10K run event para mapanalunan ang kanyang  ikatlong sunod na SEA Games crown.   Naorasan siya sa men’s race ng 1:56.57.

Meron din tayong dalawang  gold medals mula  kay  jiu-jitsu fighters Meggie Ochoa sa women’s minus 48kg class at Annie Ramirez sa  women’s minus 62kg division at fencer Samantha Catantan sa women’s foil event.

Si  Fil-Am Aleah Finnegan, dating  US national team member,  ay nanguna sa national team para sa gold medal sa women’s artistic gymnastics sa Quan Ngura Sports Palace na may iskor na 184.500.  Ang Vietnam ang nakakuha ng silver na may 183.800, samantalang ang Singapore ang pumuwesto sa third na may 182.500 puntos.

Nanalo rin si Finnegan ng all-around silver medal, na may iskor na 48.250 puntos sa apat na apparatus—balance beam, floor exercise, vault, at uneven bars—na ang gold ay napunta kay Indon Rifda Irfanluthfi na may iskor na 49.650.

Ang huling sandali na napanalunan ng Pilipinas ang medalya sa women’s artistic gymnastics ay noon pang 2001 Kuala Lumpur Games, na pinangunahan ni Adelle Reyes.

Nag-ambag din ng gintong medalya sa Team Phlippines sina kickboxers Gina Iniong-Araos at Jean Claude Saclag nung Biyernes.

Si Obiena, ang isa sa world-class na atleta ng national team na pinopondahan ng Philippine Sports Commission, ay walang nakaharap na matibay na kalaban at madali niyang nasungkit ang ginto nang umangat siya sa taas na 5.46 meters sa My Dinh National Stadium na nasaksihan ng  nagbubunying mga tagahanga.

Sinubukan pa ni Obiena na itaas pa sa 5.94 meters ang nairehistro niya pero nabigo siya pagkaraan ng tatlong subok.  Pero ganun pa man, napanatili pa rin niya ang paghahari sa SEA Games na una niyang napanalunan noong 2019 sa ating bansa.

“I’m relieved and happy to win the gold. I came here as a favorite and finally delivered. Mission accomplished,” sabi ni  Obiena, 26, ang Asian record holder sa taas na 5.93 meters.

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …