Friday , May 16 2025
Agatha Wong

31st SEA Games
AGATHA WONG SILVER SA TAIJIQUAN

HANOI – Nagwakas ang pamamayagpag ni Agatha Wong bilang taijiquan queen sa Southeast Asian Games nung Sabado nang ang gintong medalya ay naging mailap sa Pinoy wushu practitioners sa Cau Giay Sporting Hall.

Si Wong, 23,  winner ng taijiquan gold noong 2017 at 2019 SEA Games sa Kuala Lumpur at Manila, ay nagpakita ng kaaya-ayang galaw sa kasiyahan ng mga nanonood pero nabigo siya sa pananaw ng mga hurado na binigyan lang siya ng 9.69 puntos para magkasya lang sa silver.  Ang gold ay napunta kay Alisya Mellynar ng Indonesia , na umiskor ng 9.71, at ang bronze ay ibinigay  kay Sy Xuan ng Malaysia na may 9.68.

Ang isa pang Pinoy entry, si Jones Inso, na nakasungkit ng silver sa men’s taijiquan nung Biyernes, ay naging double medalist nang masungkit naman niya ang bronze sa men’s taijijian.  Si Daniel Parantac ay pumuwesto lang ng pampito.

“I’m still grateful for the silver kasi two months lang ang training namin. I wasn’t expecting anything. But I did my best so that’s enough na,” sabi ni  Wong,  silver medalist sa 2015 World Championships sa Jakarta.

Tanggap ni Wong ang nakuhang silver nang may ngiti sa naging awarding rites, pero nangako ito na gagawin niya ang lahat ng kanyang galing para idepensa ang kanyang titulo sa taijijian event.

“Basta okay ‘yung form ko and okay ‘yung performance ko, okay na ako dun. I still have another event,” sabi niya.

“We still have a shot at three gold medals tomorrow,” pahayag ni Wushu Federation of the Philippines Freddie Jalasco, na umaasa na magagampanan nila ang mataas na ekspektasyon at makasungkit ng ‘fair share’ sa 12 gold medals na paglalabanan sa final day ng meet.

Ang Pinoy wushu artists ay may impresibong medalyang nasungkit na 7-2-2 tatlong taon na ang nakararaan sa Philippine SEA Games

About hataw tabloid

Check Also

PCAP Chess Champions

Toledo-Xignex Trojans bida sa PCAP

SA WAKAS, nagwagi ang Toledo-Xignex Trojans sa online team chess tournament ng Professional Chess Association …

Jonathan Ng Creamline Cool Smashers Rebisco

Ng, pararangalan bilang PVL Press Corps Executive of the Year

PARARANGALAN si Jonathan Ng, Vice president at CEO ng Republic Biscuit Corporation (Rebisco) Group of …

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …