Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Canelo Alvarez Dmitry Bivol

Canelo babawian si Bivol sa kanilang rematch

NAGBIGAY na paniniguro si Canelo Alvarez  sa kanyang promoter na si Eddie Hearn na hindi na siya matatalo sa kanilang rematch ni Dmitry Bivol.

Hindi pa rin matanggap sa sarili ng dating four-division world champion Canelo (57-2-2, 39KOs) na tinalo siya ni Bivol sa una nilang paghaharap nung Linggo sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Winarningan ni Hearn si Canelo na mahirap matalo ng back-to-back laban sa WBA light heavyweight champion Bivol (20-0, 11 KOs) nakakasira kasi ng kompiyansa, pero nagpupumilit talaga ang Mexican fighter na makabawi sa Russian fighter.

Inamin ni Matchroom Boxing promoter na si Hearn na naniniguro lang siya na hindi masisira nang tuluyan ang career ni Canelo kapag natalo siyang muli sa isang fighter na sa tingin niya ay masyadong malaki at mabigat sa kanyang inaalagaang boksingero.

Dagdag pa ni Hearn na maraming malalaking laban si Canelo na puwede niyang harapin na match lang sa timbang at laki katulad nina Gennady Golovkin, Jermall Charlo, at David Benavidez,  isa raw malaking panganib kung ipipilit ng kanyang boxer  na makabawi kay Bivol na isang natural na light heavyweight.

Tingin ni Hearn ay hindi matanggap ni Canelo na natalo siya sa isang nakakahiyang laban na kung saan ay ginulpe siya ng kalaban.   Hindi katulad ang pagkatalong iyon sa naging pagyuko niya kay Floyd Mayweather Jr. nung 2013 na kung saan ay madali niyang nakalimutan dahil kasalukuyang gumagawa pa lang siya ng pangalan.

“He was gutted, devastated, and I said, ‘What do you want to do?’ And he said, ‘I want to rematch Bivol. I know I can beat him,’” sabi ni  Eddie Hearn sa  iFL TV tungkol sa naging pag-uusap nila ni Canelo nung LInggo sa golf course pagkaraang matalo siya kay Bivol.

“‘Obviously, you’ve got to be right because back-to-back defeats for Saul Canelo Alvarez is not a good look.’ ‘No, no, no, I will not lose again,’”  

“People always look for reasons rather than saying, ‘Dmitry Bivol was brilliant.’ He boxed so smart and so disciplined for 12 rounds,” sabi pa ni Hearn.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …