Tuesday , May 13 2025
Mary Francine Padios

31st SEA Games 
UNANG GINTO NG ‘PINAS  SA 31ST SEA GAMES SINUNGKIT NI PADIOS

 HANOI – Sinungkit ni Mary Francine Padios ang unang ginto ng Pilipinas sa paglarga ng 31st Southeast Asian Games nung Miyerkules sa women’s pencak silat seni (artistic or form) tunggal single event sa Bac Tu Lien Gymnasium.

Sa panalo ng 18-year-old na tubong Kalibo, Aklan ay inilagay ang Pilipinas sa medals table na simulang dominahin ng Vietnam isang araw bago ang opisyal na pagbubukas ng biennial multi-sport festival  sa My Dinh National Stadium.

Sa panalo ni Padios ng ginto ay nag-imprub ang kanyang medal finish noong 2910 Philippine Games.  Ang panalong iyon ay iniaalay niya sa kanyang ama  na naging  biktima ng car accident nung Christmas.

“My dad has become my inspiration after he figured in a terrible car accident on her way home in Aklan just before Christmas,” sabi ni  Padios, na ang kanyang ama ay nananatiling nasa  coma. “He was so exhausted and drowsy from work that he slept at the wheel and met with an accident.

 “He’s been motivating me ever since,” sabi ni  Padios, na ang naitalang iskor na 9,960 ay nasapawan ang llamadong si Arum Sari ng Indonesia na  nagkasya sa silver na may 9,945 puntos

Ang Vietnam ay patuloy sa pagratsada sa medal standing at balak nilang talunin ang Philippines na nagkampeon sa nakaraang SEA Games.  Meron silang 6 na ginto, 5 silver, at anim na bronze medals.

Ang Malaysia ay nakadikit sa Vietnam na may six-gold output, isang silver at apat na bronze.  Sinusundan sila ng Indonesia (3-4-0 gold-silver-bronze), Singapore (1-3-3), at Thailand (1-2-3).

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …