DUMALO sa US-ASEAN Special Summit sa Washington D.C. si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., upang katawanin ang Pangulo bilang leader ng Delegasyon ng Filipinas mula 12-13 Mayo 2022.
Inaasahang makakasama ni Secretary Locsin ang mga leader ng ASEAN sa ilang mga kaganapan na pangungunahan ni United States (US) President Joseph Biden, at iba pang opisyal ng gobyernong Amerikano sa dalawang araw na Summit na naglalayong pagandahin at balangkasin ang kinabukasan ng US-ASEAN cooperation na nakatuon sa pandemic recovery, health security, maritime security, climate change, clean energy transformation, digital economy, kalakalan, at impraestruktura, at iba pa.
Ang pakikilahok ng Kalihim sa mga talakayan sa mga leader ng ASEAN at kay US President Biden, ay upang pagtibayin ng kongreso, gayondin ang business sector ng Estados Unidos.
Ang Filipinas ay makikipagtulungan sa mga karatig bansa para sa isang mapapanatiling pagtatapos ng pandemya at pangmatagalang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.
Ang US-ASEAN Special Summit sa Washington D.C. ay ang pangalawang special summit na pinangasiwaan ng Estados Unidos mula nang naging partner ng ASEAN noong 1977. Ginagawa itong isang mahalagang okasyon sa pagdiriwang ng 45 taon ng US-ASEAN partnership.