MAGSASAGAWA ng special elections sa 14 barangays sa tatlong munisipalidad ng lalawigan ng Lanao del Sur matapos ideklara ng Commission on Elections (Comelec) ang “failure of elections” sa mga nabanggit na lugar.
Sa bahagi ng minutes ng sesyon ng Comelec na ginanap nitong Martes, 10 Mayo, ipinadala sa media ang kopya nitong Miyerkoles, kabilang sa deklarasyon ng “failure of elections” ang mga barangay ng Ragayan sa Butig; Pindolonan sa Binidayan; at
12 barangay sa Tubaran (Tangcal, Datumanong, Guiarong, Baguiangun, Wago, Malaganding, Gadongan, Riantaran, Pagalamatan, Mindamunag, Paigoday-pimbataan, at Metadicop).
Nakatakdang gawin ang special elections sa mga lugar na nabanggit sa Linggo, 15 Mayo, o sa petsang itatakda ng En Banc committee.