Sunday , December 22 2024
Helen Tan Quezon province

Doktor, unang babaeng gobernador ng Quezon

GUMAWA ng kasaysayan si Quezon province 4th district congresswoman Helen Tan nitong Miyerkoles, 11 Mayo, nang iproklama ang kaniyang panalo sa halalan nitong Lunes, 9 Mayo, bilang kauna-unahang babaeng gobernador ng lalawigan.

Ipinakita ang pinal na resulta ng halalan mula sa Commission on Elections (Comelec) na nakatanggap si Tan, isang doktor, ng 790,739 boto mula sa dalawang lungsod at 39 bayan.

Tinalo ni Tan ang reelectionist na si Gov. Danilo Suarez ng Lakas-CMD, nakakuha ng 320,395 boto sa pagtakbo para sa kaniyang pagtatangkang manatili sa pangalawang termino.

Si Suarez, beteranong politiko, ay minsang nagsilbi bilang minority leader sa Kongreso sa kanyang 18-taon panunungkulan bilang mambabatas.

Nahalal siyang gobernador noong 2019 matapos tapusin ng kaniyang anak na si David ang kaniyang siyam-taong termino bilang punong ehekutibo ng lalawigan simula noong 2010.

Naitala ang 1,424,023 bilang ng mga rehistradong botante sa lalawigan ngunit tanging 1,221,506 o 85.77% ang lumahok sa eleksiyon.

Opisyal na iprinoklama ang running mate ni Tan na si dating Lucena City Councilor Anacleto Alcala III bilang bise gobernador.

Nakakuha si Alcala ng 665,570 boto habang nakakuha ang kaniyang katunggaling si Betty Nantes ng 283,588 boto sa opisyal na pagbibilang.

Nagpahayag ng pagbati si Suarez para kay Tan at sa iba pang mga nagwagi sa lalawigan.

Nanawagan si Suarez sa mga empleyado ng pamahalaang panlalawigan na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang mapaglingkuran ang Quezon sa ilalim ng bagong gobernador.

Samantala, iprinoklama ng Comelec na hahahalili sa kaniyang ina si Mike Tan bilang kinatawan ng ikaapat na distrito ng Quezon.

Tinalo ni Mike ang kaniyang katunggaling si Rhodora Tan, dating provincial board member at kaalyado ni Suarez.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …